Tampok na Templo
Copenhagen Denmark Temple
Dating inilaan bilang Priorvej chapel malapit sa sentro ng Copenhagen, Denmark, noong 1931, ang magandang gusaling ito na yari sa pulang ladrilyo ang naging ika-118 templo ng Simbahan nang ilaan ito noong Mayo 23, 2004. Inilarawan ito bilang “isang bagong templo sa loob ng isang lumang gusali.”1
Ang dating labas nito—pati na ang patsada o harap na may napakagagandang haligi sa magkabila ng pintuang kahoy—ay ipinreserba at ibinalik sa dating anyo samantalang ang loob ay talagang muling binuo. Ang mga mural at painting ng mga tanawin sa lugar ay kakikitaan ng kakaibang impluwensya ng Denmark at Sweden sa templo. Limang matataas na bintanang yari sa salamin ang nakapalibot sa bawat panig ng gusali, na may kakaibang bubong na yari sa tanso at may simboryong nababalutan ng tanso.
Sa paglalaan ng templo nanalangin si Pangulong Hinckley sa Ama sa Langit na “antigin ang puso ng lahat ng naglilingkod doon na maunawaan ang Inyong mga banal na layunin at Inyong maluwalhating gawain na ‘isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39).2