Sino ang dapat kong kausapin tungkol sa pagkuha ng patriarchal blessing?
Si Pangulong James E. Faust (1920–2007), Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, ay nagsabi: “Ang patriarchal blessing ay isang kakaiba at napakagandang pribilehiyo na maaaring dumating sa matatapat na miyembro ng Simbahan na husto na ang kaisipan na maunawaan ang likas na katangian at kahalagahan ng gayong mga basbas. … Tulad ng karamihan sa mga basbas, kailangang hilingin ito ng tao o ng pamilya ng taong naghahangad ng basbas.”1
Kung dama mong handa ka na sa espirituwal upang tanggapin ang iyong patriarchal blessing, dapat ka munang makipag-appointment para mainterbyu ng iyong bishop o branch president, na siyang magpapasiya kung ikaw ay handa na at karapat-dapat. Kung sa palagay niya ay handa ka na, tatanggap ka ng recommend. Pagkatapos ay maaari mo nang kontakin ang inyong stake patriarch para makapagtakda ng araw ng pakikipagkita sa kanya.