Magiging Maayos ang mga Bagay-Bagay
“Pinalakas sila ng Panginoon upang mabata nila ang kanilang mga pasanin nang may kagaanan” (Mosias 24:15).
-
Iyong ang unang araw ni Elliott sa bagong paaralan, at kinakabahan siya.
Inay, hindi ko na po makikita ang mga dati kong kaibigan.
Alam ko, pero maaari kang magkaroon ng mga bagong kaibigan.
-
Pagdating sa paaralan, naupo si Elliott sa isang bagong silid-aralan. Maraming mga bata ang magkakakilala na. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Tahimik na nakaupo si Elliott.
-
Sa recess walang makalaro si Elliott. Wala siyang kilala na mayayaya niya. Ilang batang lalaki sa palaruan ang may sinabing hindi maganda sa kanya. Hindi masaya si Elliott.
-
Umuwi si Elliott mula paaralan na malungkot.
Ano’ng problema?
Nahirapan po ako sa eskuwelahan. Sabi po ninyo magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan, pero wala po. Sinungitan ako ng ilang bata kahit wala akong ginagawa sa kanila.
-
Nalulungkot ako na hindi maganda ang araw mo. Kapag patuloy ka lang magsisikap, magiging maayos ang mga bagay-bagay. Siguro kailangan nating ipagdasal ito. Ano sa palagay mo?
Sige po. Gusto ko po talagang maging masaya sa paaralan.
-
Bawat araw nananalangin si Elliott na tulungan siyang maging maganda ang araw niya sa eskwelahan. May ilang araw na medyo hindi maganda, ngunit unti-unti siyang nagkakaroon ng mga kaibigan na makakalaro niya.
-
Patuloy na nagdasal si Elliott na tulungan siya. Makalipas ang ilang linggo, kalaro na ni Elliott araw-araw ang mga bagong kaibigan. Bagama’t hindi mabait sa kanya ang ilang bata, hindi na siya gaanong nababahala sa kanila. Alam ni Elliott na pinagpala siya ng Ama sa Langit para sumaya siya sa kanyang bagong paaralan.