Sa aking Sunday School class may ilang taong hindi mapitagan. Kinausap ko na ang teacher at bishop ko. Ano pa ang maaari kong gawin?
Una, magpakita ng halimbawa sa klase mo. Magpakita ng interes sa inihanda ng guro. Kung makikita nila na gusto mong matuto, maaaring mapag-isip nila na mahalaga ang itinuturo.
Mas makikinig ang mga miyembro ng klase kapag kasali sila, kaya’t makisali ka mismo at ilahok sila sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot sa mga tanong na hihikayat ng talakayan at mas malalim na pag-iisip tungkol sa paksa.
Ipanalangin na maghatid ng mapayapa at nakahihikayat na impluwensya ang Espiritu Santo sa klase mo para lahat kayo ay matuto sa aralin.
Sa huli, mahalin at patawarin ang mga nanggugulo. Kahit hindi mo gusto ang ugali nila, malamang na hindi sila magbago kung nadarama nila na lagi kang galit o hinahamak mo sila. Sa halip, ipagdasal at paglingkuran sila. Kapag nakikita nila na nagmamalasakit ka sa kanila at sabik kang ituro ang aralin, maaari nilang madama ang iyong kasabikan.