Maiikling Balita sa Buong Mundo
Tampok sa Brodkast ang mga Kaganapan sa Simbahan
Ang Pandaigdigang Ulat, ang balitang inilalabas ng Simbahan dalawang beses isang taon at nag-uulat ng mahahalagang kaganapan sa Simbahan sa nakalipas na anim na buwan, ay magsasahimpapawid sa 19 na wika sa Sabado, Oktubre 2, at Linggo, Oktubre 3, 2010, sa pagitan ng mga sesyon sa pangkalahatang kumperensya sa iisang satellite feed. Sa mga lugar na hindi gagamitan ng sariling wika, ibobrodkast ang programa sa wikang Ingles. Ang Pandaigdigang Ulat ay makukuha rin sa DVD at mga distribution center at online sa lds.org/videos at newsroom.lds.org.
Mga Brodkast ng Simbahan na Makukuha Online
Mapapanood at mapapakinggan sa Internet ng mga Banal sa mga Huling araw sa iba’t ibang dako sa mundo ang iba’t ibang brodkast ng Simbahan sa nakalipas na mga taon. Ang mga bibisita sa site ng mga brodkast ng Simbahan na lds.org/broadcast, ay makikita roon ang mga tinipong kaganapan kabilang na ang mga pangkalahatang kumperensya, pangkalahatang pulong ng Relief Society, pangkalahatang pulong ng Young Women, mga fireside ng Church Educational System, mga Pamaskong debosyonal ng Unang Panguluhan, at marami pang iba. Sa kasalukuyan dapat hanapin ang site sa wikang Ingles, ngunit karamihan sa audio at ilan sa video ay makukuha sa iba’t ibang wika.
Mga Klase sa Family History Online Na
Ang Family History Library ay nakagawa ng walong family history research class na makukuha online sa familysearch.org (mag-klik sa Free Online Classes). Binubuo ang klase ng maraming aralin, sa video o pdf formats, na nagtuturo ng mga impormasyon tungkol sa family history research sa mga bansang tulad ng England, Germany, Ireland, Italy, Mexico, Russia, at Estados Unidos. Pitong klase ang makukuha sa Ingles at isa sa Kastila. Makukuha pa ito sa karagdagang mga wika sa hinaharap.
Mga Bagong Panimula sa Kathmandu
Ang mga dalagita sa Kathmandu Branch sa New Delhi India Mission ay nakibahagi sa kanilang unang programa na Mga Bagong Panimula noong Abril 2010. Limang dalagita at kanilang mga ina ang naroroon habang nagbibigay ng magagandang payo ang panguluhan ng branch, ang pangulo ng Young Women, at iba pang lider ng kabataan. Itinuro sa mga dalagita ang programa na Pansariling Pag-unlad, pagsasagawa ng kanilang mga mithiin katulong ang kanilang mga pamilya, at ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapalakas ng kanilang mga patotoo.