2010
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako
Setyembre 2010


Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako

Mga Miyembro sa Romania Ipinagdiwang ang 20 taon

Nakadamit nang tulad sa mga tauhan sa kasaysayan sa mga banal na kasulatan, ang mga miyembro ng Simbahan sa Romania ay nagbahagi ng mga kuwento tungkol sa Tagapagligtas, sa Apostasiya, kay Joseph Smith, at sa Aklat ni Mormon sa isang espesyal na programa para sa mga miyembro at mga kaibigan. Ang programa ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng paglalaan sa Romania para sa pangangaral ng ebanghelyo.

Ginanap ang pagdiriwang noong Pebrero 2010 at bahagi nito ang pagtitipon sa lugar kung saan inilaan ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang lupain noong 1990. Hango sa panalangin ang naging batayan ng tema ng pagdiriwang, “Romania: Gabay na Liwanag sa Kalapit na mga Bansa.”

“Nadama namin sa pagdiriwang ang Espiritu at ang kaligayahan ng mga miyembro na maging bahagi ng dakilang gawaing ito,” wika ni Vasile Doru, pangulo ng Bucharest Romania District. “Dalangin naming lahat na darami kami at magiging isang stake sa Sion at ‘gabay na liwanag sa kalapit na mga bansa.’”

Matapos ang programa, hinati sa maliliit na grupo ang mga miyembro at namigay ng mga Aklat ni Mormon.

Nakatanggap ang Mag-asawa ng Madagascar Award

Isang mag-asawang senior missionary sa Andrainarivo, Madagascar, ang tumanggap kamakailan ng pinakamataas na parangal na ibinibigay sa sibilyan dahil sa kanilang serbisyo sa kapwa.

Sa loob ng 18 buwan nila sa misyon, sina Elder Robert at Sister Susan Bird, mula sa Fruit Heights, Utah, USA, ay nakapagbigay ng tulong-pantao, kabilang na ang mga proyektong nagbigay ng malinis na tubig sa tinatayang 100,000 katao.

Ang Minister of Water sa Andrainarivo, ang kapita-pitagang Nhiry-Lanto Hery Andriamahazo, ang nagbigay sa mag-asawa ng Medal of Honor at nagbanggit ng magagandang salita tungkol sa Simbahan, sinasabing kinikilala niya ang mga misyonero sa Madagascar na kabilang sa lipunan ng Malagasy.

Inakyat ng mga miyembro ng Bucharest Romania District ang burol kung saan inilaan ang Romania sa pangangaral ng ebanghelyo 20 taon na ang nakakaraan.

Larawang kuha ni Teodor Dumitrache