Komentaryo
Katibayan na Patuloy ang Paghahayag
Ang Liahona ay katibayan para sa akin na patuloy ang paghahayag sa Simbahan. Ako ay isang branch president, at natagpuan ko sa magasin ang mga sagot sa aking dalangin tungkol sa mga auxiliary sa aking branch. Ang Liahona ay parang aklat ni Mormon—simple at madaling unawain. Ngayon matututuhan na ng bawat grupong may magkakaparehong edad ang doktrina ni Cristo, at mas mauunawaan ng mga kaibigan ng Simbahan ang mga alituntunin at organisasyon ng Simbahan. Magpapadala ako ng suskrisyon sa mga kaibigan ko na di miyembro para makinabang din sila sa napakagandang magasing ito.
Armel Davy Kiakaka, Cote d’Ivoire
Isang Gawain ng Pagmamahal
Hindi ako gaanong sigurado kung bakit nagtutuon ang Liahona sa mga kabataan, mga bata, at mga young adult, pero alam ko nang walang pag-aalinlangan na ito ay gawain ng ating Ama sa Langit. Nabasa ko ang magasin at nagustuhan ko ang mensahe nito mula pa noong bata ako, at napakahalaga nito sa akin. Ngayon isa na akong single adult, at namamangha ako na nakatuon pa rin sa akin ang pansin ng Ama sa Langit. Isang taos-pusong pasasalamat sa inyo sa gawaing ito ng pagmamahal.
Olivia Judith Chavez Vega, Peru
Mangyaring ipadala ang inyong feedback o mga mungkahi sa liahona@ldschurch.org. Ang mga isinumite ay maaaring i-edit para umakma ang haba o mas luminaw pa.