Hapunan—Oras para Matuto
Serena Gedlaman, Alberta, Canada
Gawing oras ang hapunan para matuto. Ang gagawin ninyo lang ay maglagay ng ilang materyal sa kurikulum ng Simbahan sa ibabaw ng hapag-kainan. Sa bahay namin madalas kaming gumamit ng mga materyal na nagtuturo sa aming mga anak. Halimbawa, nagamit na namin ang gabay na aklat na Pananampalataya sa Diyos para sa mga Batang Babae, ang buklet na Pansariling Pag-unlad ng Young Women, at ang polyetong Para sa Lakas ng mga Kabataan. Siyempre, mayroon ding mga banal na kasulatan.
Kung minsan nagbabasa kami ng ilang talata at tinatalakay ang mga ito. May mga pagkakataon na naghahanap kami ng mga reperensya ng banal na kasulatan. Isinaulo pa namin ang ikalimang saligan ng pananampalataya at tinalakay ang ibig sabihin nito habang kumakain kami.
Kapag inilalagay ninyo sa hapag-kainan ang mga paalalang ito paminsan-minsan, madaling matandaan kung gaano kahalagang busugin ang ating sarili sa espirituwal gayundin sa pisikal.