2010
Sana masabi ko sa buong mundo ang tungkol sa ebanghelyo. Pero kapag sinusubukan ko, parang hindi ko kaya. Paano ko matututuhang ibahagi ang aking pinaniniwalaan?
Setyembre 2010


Sana masabi ko sa buong mundo ang tungkol sa ebanghelyo. Pero kapag sinusubukan ko, parang hindi ko kaya. Paano ko matututuhang ibahagi ang aking pinaniniwalaan?

Ibinabahagi ng mga tao ang kanilang patotoo sa iba’t ibang paraan. May mga taong madaling maibahagi ang kanilang patotoo sa mga nakapaligid sa kanila. Ang iba ay naisusulat nang maganda ang kanilang patotoo. Ibinabahagi naman ng iba ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng musika o sining. Ang mga patotoo ay ibinabahagi rin sa pamamagitan ng halimbawa, sa paraan ng ating pamumuhay.

Sa pagbabahagi ng iyong patotoo, titibay ito, at magkakaroon ka ng tiwala hindi lamang sa iyong sarili kundi sa iyo ring patotoo. Magdasal na matulungan at lumakas para mapagbuti pa ang iyong kakayahan na ibahagi sa iba ang iyong pinaniniwalaan. Nangako ang Panginoon na kung bubuksan mo ang iyong bibig, ito ay mapupuno (tingnan sa D at T 33:8).

Kung takot kang magsalita sa harap ng iba, subukang isulat ang iyong patotoo at basahin ito nang malakas sa iyong sarili. Maaaring makatulong ito para maging mas komportable ka sa pagbabahagi ng iyong patotoo. Simulan sa pagbabahagi nito sa iyong pamilya at malalapit na kaibigan. Gawin ang maliliit at simpleng hakbang na umaasa sa Panginoon, at darating ang panahon na mas komportable ka nang magpatotoo sa mga miting o sa sinumang makilala mo.

Huwag mag-alala sa maaaring isipin ng iba sa iyo. Kung handa na sila, ang iyong patotoo ay mag-aanyaya sa Espiritu Santo na antigin sila. Alalahanin na ang iyong patotoo ay sa iyo at iyan ay espesyal sa Panginoon at sa iyo.

Sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson: “May patotoo kayo; ibahagi ito. Huwag maliitin ang malawak na impluwensya ng inyong patotoo” (“Maging Isang Halimbawa,” Liahona, Mayo 2005, 115; “A Code to Live By,” New Era, Set. 2005, 8).

Kung takot kang magsalita sa harap ng iba, subukang isulat ang iyong patotoo at basahin ito nang malakas sa iyong sarili. Maaaring makatulong ito upang maging mas komportable ka sa pagbabahagi ng iyong patotoo.