2010
Madalas kong imbitahan ang aking mga kaibigang miyembro na sumama sa akin sa simbahan. Ayos lang ba na sumama sa simbahan nila kung yayayain nila ako?
Setyembre 2010


Madalas kong imbitahan ang aking mga kaibigang hindi miyembro na sumama sa akin sa simbahan. Ayos lang ba na sumama sa simbahan nila kung yayayain nila ako?

Bagaman hindi ka dapat lumiban sa sarili mong mga miting sa Simbahan para sumama sa isang kaibigan sa ibang simbahan, OK lang na paminsan-minsan ay sumama sa mga kaibigan para makita ang ginagawa nila sa kanilang simbahan. Magkakaroon ka ng pagkakataon na matutuhan ang tungkol sa ibang relihiyon at kung ano ang pagkakaiba natin. Alalahaning igalang ang paraan ng kanilang pagsamba, tulad ng inaasahan mong gagawin nilang paggalang sa atin.

Ang pag-alam tungkol sa relihiyon ng iyong mga kaibigan ay maaaring maging daan para masabi mo sa kanila nang mas hayagan ang mga espirituwal na paksa. Ang pag-unawa kung ano ang mahalaga sa kanila ay makatutulong sa pagpapaliwanag kung ano ang mahalaga sa iyo. Pasasalamatan nila ang iyong pagsisikap na matutuhan pa ang tungkol sa kanila at kanilang mga paniniwala.

Sa paggawa mo nito, maging maingat. Iwasan ang paggawa ng isang bagay na kung saan ay hindi ka magiging komportable o magiging dahilan para pagdudahan mo ang sarili mong mga pinaniniwalaan at pamantayan. Bago ka magpunta, manalangin na mapasaiyo ang Espiritu. Pagkatapos samantalahin ang pagkakataon na mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa iba’t ibang relihiyon at, kasabay nito, higit pang unawain ang sarili mong relihiyon.