2013
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Pebrero 2013


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.

“Pagiging Disipulo sa Lahat ng Panahon, sa Lahat ng Bagay, sa Lahat ng Lugar,” pahina 22: Isiping anyayahan ang inyong pamilya na kumpletuhin ang “eksperimento sa pagkadisipulo” na tinalakay sa artikulong ito. Sa loob ng isang linggo, mapanalanging pag-aralan ang isang partikular na turo o kuwento tungkol kay Jesucristo. Sa susunod na family home evening, maaaring ireport ng mga miyembro ng pamilya ang kanilang mga karanasan at ideya.

“Lights … Camera … Action!”, pahina 48: Matapos basahin ang artikulong ito, talakayin sa inyong pamilya ang kahalagahan ng pagpili ng mabuting media. Isiping ipabahagi sa mga miyembro ng pamilya ang paborito nilang halimbawa ng mabuting media at kung paano ito nakatulong sa kanila. Maaari kayong magpakita ng isang larawan ni Jesucristo habang tinatalakay ninyo kung paano tayo kailangang pumili ng media na magiging komportable tayong panoorin o pakinggan kung kapiling natin ang Panginoon. (Ang iba pang mga ideya sa pagtuturo ng paksang ito ay matatagpuan sa pahina 9.)

“Dalhin sa Tahanan ang mga Turo sa Primary,” pahina 64: Isiping mamasyal bilang pamilya upang tuklasin kung ilang bagay ang makikita ninyo na nilikha ng Ama sa Langit. Ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring mangolekta ng mga bagay-bagay, magdrowing ng mga larawan, o kumuha ng mga retrato ng paborito nilang mga nilikha. Maaari kayong magtapos sa pagkanta ng “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16–17).

Ang Aking Missionary Family Home Evening

Bilang bagong binyag sa Simbahan, lagi kong gustong tulungan ang mga missionary sa ward ko. Madalas kong makita na kahit hindi komportable ang mga investigator sa pakikinig sa mga talakayan, masaya silang nakikilahok sa family home evening.

Minsan inanyayahan ko ang mga full-time missionary at ang buong pamilyang hindi-miyembro sa family home evening ko. Bago sila dumating, nag-ayuno at nanalangin ako na mapasaamin ang Espiritu at mabuksan ang puso nila sa ebanghelyo. Pinanood namin ang isang missionary video tungkol sa pagtulong sa mga pamilya na lumago at magkaroon ng tiwala. Pagkatapos ay ibinahagi namin ang aming damdamin tungkol sa video. Napakalakas ng Espiritu.

Ang pamilyang ito ngayon ay handa nang matuto pa tungkol sa ebanghelyo sa pamamagitan ng pakikipagkita sa mga missionary. Lahat tayo ay inanyayahang tumulong sa gawaing misyonero, at nakita ko na epektibo ang mga family home evening para maibahagi sa iba ang galak ng magkaroon ng ebanghelyo sa buhay ko.

Maria de los Angeles Vilca Zeballos, Peru