Mga Tinig ng mga Kabataan: Mga Pagpapala ng Family History
Ang mga kabataan mula sa New York, USA, ay inanyayahan kamakailan ng kanilang stake presidency na maghanap ng pangalan ng isang kaanak nila na dadalhin sa templo bilang bahagi ng isang espesyal na kumperensya para sa mga kabataan. Natuklasan nila ang mga dakilang pagpapala nang madama nilang bumaling ang kanilang mga puso sa kanilang mga ama (tingnan sa Malakias 4: 5–6).
Pagdadala ng Pangalan ng mga Kaanak sa Templo
-
“Dati-rati’y iniisip ko na ang family history ay isang pangkaraniwang bagay lang na dapat gawin, pero alam ko na ngayon ang mga ito ay totoong mga tao na maraming taon nang naghihintay. Kaiba ang karanasan ko sa templo kapag maydala akong pangalan ng mga kaanak ko. Palagay ko dahil ito sa lahat ng kasipagan, panahon, at dalanging ibinuhos sa paghahanap ng isang pangalan. Ngunit sulit ang paghahanap sa isang pangalan dahil iyan ay isang tao na kailangang makapiling ang Ama sa Langit.” —Hannah A., edad 13
-
“Matapos mahanap ang isang tao, sisimulan mong umugnay sa taong iyon sa daigdig ng mga espiritu. Ang pagdadala mo ng sariling mga pangalan ay isang paraan para tumibay ang bigkis na ito. Tinutulungan ka nitong maunawaan ang iyong walang-hanggang pamilya.” —Spencer S., edad 15
-
“Ang pagdadala ng pangalan ng mga kaanak mo sa templo ay tumutulong sa iyo para matanto mo na totoo ang mga taong ito. Hindi lamang mga pangalang nakasulat sa papel ang mga ito; sila ay totoong mga kapatid na kasama sa iyong kasaysayan—at bahagi sila nito.” —Lilli N., edad 16
Pagtanggap ng mga Pagpapala
-
“May napansin akong kaibhan sa buhay ko. Magiliw at nagpoprotekta ang damdaming ito.” —Noah R., edad 13
-
“Madarama mo sa iyong puso na ikaw ay bahagi ng isang mas malaking gawain. Ang pagbibigay ng pagkakataon sa iyong pamilya na matanggap ang mga pagpapala ng templo ay isang damdaming walang katulad.” —Corinne C., edad 17
-
“Naging mas komportable at panatag ako mula nang simulan ko ang paggawa ng family history. Kapag nagdadala ako ng pangalan ng mga kaanak ko sa templo, nag-uumapaw ang kagalakan ko.” —Tyler M., edad 16
-
“Naragdagan nito ang pagmamahal ko sa Tagapagligtas, sa Ama sa Langit, at sa aking mga ninuno. Nakatulong ito sa akin na mas mapalapit sa pamilya ko mismo at napag-ibayo nito ang aking patotoo sa ebanghelyo.” —Alexandra H., edad 14
-
“Naging mas masaya ako.” —Ross S., edad 12
-
“Sa bawat pangalan, nag-uumapaw ang kapayapaan at kasiyahan sa isipan ko, na para bang ako lang ang matagal nang hinihintay ng taong iyon.” —Rhiannon B., edad 15
-
“Alam ko kung saan ako nanggaling, at nadaragdagan ang tiwala ko sa sarili.” —Eliza L., edad 13
-
“Hindi na ako gaanong nakikipag-away sa bahay.” —Gehrig L., edad 12
-
“Lalo kong nauunawaan ang kahalagahan ng mga pamilya. Gusto kong mas mapalapit sa aking pamilya sa lupa.” —Emma L., edad 15
-
“Natulungan ako nito na mas maunawaan ang plano ng Diyos para sa atin. Dama kong mas malapit ako sa Ama sa Langit at sa ebanghelyo dahil mas nauunawaan ko ang mga ordenansang nagaganap.” —Noah C., edad 14