Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.
Tagapagsalita |
Kuwento |
Neil L. Andersen |
(65) Kasunod ng pagkamatay ng kanilang ina, nabiyayaan ng kabuhayan ang isang binata at kanyang mga kapatid matapos tanggapin ng binata ang tawag na maglingkod sa full-time mission. Sa pagsampalataya kay Jesucristo, nakasumpong ng lakas ang dalawang magkapatid na lalaki na magpatuloy nang mamatay ang kanilang mga magulang at dalawang kapatid nang bumagsak ang eroplanong sinakyan ng mga ito. |
Koichi Aoyagi |
(126) Habang kausap ang isang pinuno ng Simbahan, mas nalinawan ni Koichi Aoyagi sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang papel na ginagampanan ng paghihirap sa plano ng kaligtasan. |
David A. Bednar |
(128) Natutuhan ni David A. Bednar mula kay Elder Robert D. Hales na kapag hindi mo magawa ang lagi mong ginagawa, gawin mo lang ang pinakamahalaga. |
Randall K. Bennett |
(69) Nadapa ang bunsong apo ni Randall K. Bennett habang nag-aaral na maglakad pero muli nitong sinubukang maglakad sa paghikayat ng kanyang mga magulang. Dalawang Banal sa mga Huling Araw na Russian na nakadama ng pahiwatig na ibahagi ang ebanghelyo sa isa’t isa ang nakasal sa templo kalaunan. |
Kim B. Clark |
(124) Nahikayat ng tinig ng Espiritu, tinanggap ng mga magulang ni Kim B. Clark ang tawag na magmisyon sa Pilipinas. |
Quentin L. Cook |
(39) Noong binata pa siyang missionary, nalaman ni Quentin L. Cook ang kahulugan ng maging “maayos at organisadong tulad sa Bristol.” Nakilahok si Quentin L. Cook sa isang Jewish Shabbat. |
Henry B. Eyring |
(80) Pinasalamatan ng isang matandang babae ang isang deacon sa pagpapasa sa kanya ng sakramento. Sa mga pagsisikap ng isang elders quorum president, inantig ng Panginoon ang puso ng ilang magiging elder na di-gaanong aktibo. Nagalak ang lolo-sa-tuhod ni Henry B. Eyring na pinangalagaan at binigyang-inspirasyon siya ng Panginoon sa isang mahirap na misyon. (104) Inakay ng Espiritu Santo ang ama ni Henry B. Eyring sa isang sacrament meeting sa Australia. Nang mamatay ang kanyang asawa, inaliw ng Espiritu Santo ang ama ni Henry B. Eyring. |
Bradley D. Foster |
(50) Tinulungan ni Anne Sullivan ang bingi at bulag na si Helen Keller na matutong bumasa. Nadama ni Bradley D. Foster na kailangang tulungan ang kanyang mga anak at apo na maunawaan ang mga katotohanan ng ebanghelyo matapos niyang interbyuhin ang isang karapat-dapat na maging missionary. |
Allen D. Haynie |
(121) Matapos maglaro sa putikan noong bata pa siya, pinayagan lamang pumasok ng bahay si Allen D. Haynie matapos siyang wisikan ng tubig sa hose ng kanyang lola. |
Jeffrey R. Holland |
(47) Natakot ang isang malapit nang mamatay na di-gaanong aktibong miyembro ng Simbahan na humarap sa kanyang ina sa kabilang-buhay. Tinulungan ng isang tapat na ina ang kanyang anak na makabalik sa Simbahan. Tinulungan ni Lisa Tuttle Pieper ang kanyang anak na babae na makibahagi sa sigaw ng Hosana. |
Von G. Keetch |
(115) Nalaman ng mga surfer na nalungkot sa harang na inilagay sa magkabilang pampang ng Australian bay na pinoprotektahan sila nito sa mga pating. |
Larry R. Lawrence |
(33) Nagbigay si Larry R. Lawrence ng ilang halimbawa kung paano nagbibigay ng “payo para sa bawat isa” ang Espiritu Santo para tulungan ang mga tao na magpakabuti. |
Neill F. Marriott |
(30) Matapos manalangin at hanapin ang Diyos sa loob ng 10 taon, natagpuan at tinanggap ni Neill F. Marriott ang Simbahan. Nanampalataya ang pamilya ni Sister Marriott na mabubuhay sila nang walang hanggan kasama ang anak na babaeng namatay sa isang aksidente sa bisikleta. |
James B. Martino |
(58) Nagpasiyang magpabinyag si James B. Martino matapos pag-aralan at ipagdasal nang taimtim ang tungkol sa Aklat ni Mormon. |
Richard J. Maynes |
(27) Itinuro ni Elder Taiichi Aoba sa mga kabataan na ilagay ang kanilang putik o luwad sa sentro ng gulong ng magpapalayok. Natuklasan ni Nancy Maynes ang tunay na galak sa paghahanap at pamumuhay ayon sa ebanghelyo ni Jesucristo. |
Carol F. McConkie |
(12) Sinabi ng 102-taong-gulang na sister na natamo niya ang kanyang Young Womanhood Recognition sa pamamagitan ng pagsisisi araw-araw. |
Thomas S. Monson |
(83) Nang makapagsisi at makabalik sa Simbahan, nakasumpong ng kapayapaan at pag-asa ang isang babae at ang kanyang asawa sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesucristo. (86) Nag-isip ang isang opisyal na Israeli kung ano ang gagawin sa ningning na nasa mga mata ng mga Banal sa mga Huling Araw na nag-aaral sa BYU Jerusalem Center. |
Hugo Montoya |
(53) Naghatid ng kapayapaan ang isang ngiti ni Pangulong Russell M. Nelson kay Hugo Montoya matapos itong tawagin sa Pitumpu. |
Russell M. Nelson |
(95) Noong bata pa siyang open-heart surgeon na pinanghihinaan ng loob, nagbalik sa trabaho si Russell M. Nelson dahil sa pananaw, pagmamahal, at panghihikayat ng kanyang asawa. Binago ng inspiradong puna ng isang stake Primary president ang takbo ng isang stake council meeting. |
Linda S. Reeves |
(9) Matapos marinig magsalaysay ang isang kaibigan tungkol sa ilan sa kanyang mga hamon, nasaktan si Linda S. Reeves para sa mga taong nasaktan ng iba. |
Dale G. Renlund |
(93) Matapos matawag si Dale G. Renlund bilang bishop, sinabi sa kanya ng kanyang kapatid na tinawag siya ng Panginoon para sa mga kailangan Niyang gawin sa pamamagitan niya. Inaliw ng mga magulang ng isang binatang namatay sa atake sa puso si Dale G. Renlund. |
Gregory A. Schwitzer |
(98) Tinulungan ni Gregory A. Schwitzer ang kanyang apo na madama ang himig at mensahe ng isang himnong pinapraktis niya sa piyano. |
Vern P. Stanfill |
(55) Sa pag-asa sa sama-samang liwanag ng isang grupo ng mga siklista na magkakasamang naglakbay sa loob ng isang madilim na lagusan, napaglabanan ni Vern P. Stanfill ang kanyang pag-aalala. |
Carole M. Stephens |
(118) Gumamit ng pagmamahal si Carole M. Stephens para hikayatin ang kanyang apong babae na manatili sa kanyang upuan sa sasakyan. |
Gary E. Stevenson |
(91) Matapos matawag bilang Apostol, nalaman ni Gary E. Stevenson at ng kanyang asawang si Lesa na ang kanilang angkla ay ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at kaalaman tungkol sa plano ng kaligtasan. |
Dieter F. Uchtdorf |
(15) Natuto ang isang 11-taong-gulang na batang babae mula sa kanyang tiya-sa-tuhod na ang pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga anak ang susi sa kaligayahan. (20) Magdamag na gising ang isang Relief Society instructor para gumawa ng quilt para sa isang aralin tungkol sa pagpapasimple. |
Rosemary M. Wixom |
(6) Sinagot ng Ama sa Langit ang panalangin ng isang dalagita na malaman na mahal Niya ito. Nag-alala ang isang taong nagugutom sa kapakanan ng isang naulilang sanggol sa Ethiopia. |