Pinag-ibayo ng mga Estudyante sa Seminary ang Kanilang Pag-aaral
Nag-aaral na mabuti ang mga estudyante sa seminary para makatugon sa mga hinihingi sa graduation na ipinatupad noong nakaraang taon. Makikita sa kalalabas na mga bilang na 81 porsiyento ng mga estudyanteng nakaenrol ang nakapasa sa end-of-semester assessment, naging 77 porsiyento ang attendance mula sa 71 porsiyento, at halos 80 porsiyento ng mga estudyante ang nagbabasa ng kanilang mga takdang-babasahin.
Dahil sa mga bagong hinihinging ito nabibigyang-diin ng mga titser ang mahahalagang doktrina sa kanilang pagtuturo, samantalang tinutulutan ang mga estudyante na magtuon sa mga doktrina ring iyon.
Tinatayang 400,000 kabataang lalaki at babae ang nakaenrol sa seminary sa iba’t ibang panig ng mundo.