Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon Bininyagan ni Alma ang Maraming Tao Mula sa Mosias 16–18. Si Abinadi ay isang propeta. Tinuruan niya ang mga tao na maniwala kay Jesus at huwag nang gumawa ng masama. Isang masamang hari na nagngangalang Noe ang nagalit kay Abinadi. Ayaw magsisi ni Noe. Isang lalaking nagngangalang Alma ang naniwala kay Abinadi. Tumakas siya at nagtago sa galit na hari. Nalungkot siya sa paggawa ng mga maling bagay, at nagsisi, tulad ng itinuro ni Abinadi. Maraming taong nakinig sa pagtuturo ni Alma tungkol kay Jesucristo. Itinuro ni Alma na kung magsisisi sila at susunod kay Jesus, maaari silang mabinyagan. Pumalakpak sa tuwa ang mga tao. Nangako sila na aaluin ang iba. Nangako sila na mamahalin ang Diyos at sasabihin sa ibang tao ang tungkol sa Kanya. Handa na silang mabinyagan. Isa-isang bininyagan ni Alma ang mga tao. Masayang-masaya silang maging bahagi ng Simbahan ni Jesus. Kapag bininyagan tayo, ipinapangako rin natin ang mga ipinangako ng mga tao ni Alma. At nagiging bahagi rin tayo ng Simbahan ni Jesus!