Kaya Kong Basahin ang Aklat ni Mormon
Mga Talata sa Buwang Ito
Matapos mong basahin ang isang talata sa banal na kasulatan, kulayan ang katugmang lugar na may numero sa Mga Tubig ng Mormon!
Ang mga Tubig ng Mormon
Nagtago si Alma mula sa masamang si Haring Noe malapit sa isang payapang lugar na tinatawag na Mga Tubig ng Mormon. Maraming taong dumating para makinig sa pagtuturo ni Alma ng ebanghelyo. Gusto nilang mabinyagan. Nang binyagan sila ni Alma, ginawa ng mga tao ang mga pangako, o mga tipan, na ipinapangako natin kapag binibinyagan tayo. Marami ka pang mababasa tungkol sa mga pangakong ito sa kasunod na pahina.