2016
Pagsunod sa mga Propeta at Apostol
April 2016


Pagsunod sa mga Propeta at Apostol

following prophets and apostles

Ang Diyos ay tumatawag ng mga propeta at apostol upang ituro sa atin ang nais ipaalam sa atin ng Diyos. Sa mga banal na kasulatan mababasa natin ang tungkol sa mga propetang katulad nina Noe, Nephi, at Joseph Smith, at mga apostol na katulad nina Pedro at Pablo. Mayroon tayong mga propeta at apostol ngayon!

Ano ang isang “propeta, tagakita, at tagapaghayag”?

Ang isang propeta ay nagsasalita para sa Diyos.

Ang isang tagakita ay nakikita ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

Ang isang tagapaghayag ay inihahayag (o ipinapakita) sa atin ang kalooban ng Diyos.

  • Lahat ng miyembro ng Unang Panguluhan ay mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Gayundin ang lahat ng Apostol.

  • Tanging ang Pangulo ng Simbahan ang may awtoridad mula sa Diyos na mamuno sa buong Simbahan.

  • Ilan lahat ang ating mga buhay na propeta, tagakita at tagapaghayag?

12 15 3 1

Sagot: 15

Bakit mahalagang sundin ang propeta?

Ang propeta ay katulad ng isang taong nakamasid mula sa tore (tingnan din sa pahina 38). Nakikita niya ang parating na panganib at sinasabi sa atin kung paano manatiling ligtas. Tinutulungan niya tayong sundin si Jesucristo.

Ano ang ipinagagawa sa atin ng ating propeta?

Ang propeta natin ngayon ay si Pangulong Thomas S. Monson. Narito ang ilang bagay na ipinagagawa niya sa atin.

  • Tularan ang halimbawa ni Jesus at mahalin ang lahat.

  • Magbayad ng ikapu at mag-ambag sa missionary fund.

  • Umiwas sa masasamang pelikula, palabas sa TV, at iba pang media.

  • Maglagay ng larawan ng templo sa bawat silid-tulugan.

  • Pag-aralan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya.

  • Bisitahin ang matatanda at maging mabuting kapitbahay.

Pumili ng isang bagay mula sa listahan na maaari ninyong gawin sa buwang ito. Ano ang gagawin ninyo?