Matutong Tumugtog ng Isang Himno sa Loob ng 10 Minuto!
Kung hindi ka pa nakatugtog ng piyano kailanman ngunit noon mo pa gustong matuto, ito na ang iyong pagkakataon. Ang kailangan mo lang ay isang music keyboard. Kahit wala ka nito sa bahay, madadala mo ang artikulong ito sa isang lugar na may piyano o keyboard para mapag-aralan mo ito.
Ang lesson na ito ay napakasimple at napakadali kaya matututo kang tumugtog ng isang himno pagkatapos nito. Katunayan, posibleng matutuhan mong tugtugin ang himig ng himno sa lesson na ito sa loob ng mga 10 minuto!
Handa ka na ba? Simulan na natin!
Paghahandang Tumugtog ng Piyano
-
Habang nakaupo ka sa harap ng piyano at inilalapat ang mga daliri sa keyboard, iatras ang upuan nang sapat para medyo nakabaluktot ang mga siko mo.
-
Maupo sa gitna ng upuan, sa harap mismo ng kalagitnaan ng keyboard.
-
Maupo sa gilid ng harapang bingit ng upuan nang tuwid ang likod at nasa harap ang bigat mo.
-
Ilapat ang mga paa mo sa sahig.
-
Maupo nang komportable, na pinananatiling tuwid ang likod.
-
Tiyaking sapat ang liwanag para makita mo ang piyesa at keyboard.
-
Tumayo. Ibaba ang mga kamay mo sa gilid at irelaks ang mga ito. Pansinin ang natural na kurbada nito, na parang may hawak na bola. Pag-upo mo ulit, ilagay ang mga daliri mo sa keyboard, na pinananatili ang natural na kurbadang iyon.
-
Ipuwesto ang mga kamay mo sa ibabaw ng keyboard, na nakalapat ang mga daliri malapit sa kalagitnaan ng malaking lugar sa mga puting teklado. Panatilihin ang mga palad mo sa ibabaw ng keyboard, pero huwag mong ilapat ang mga ito sa mga teklado o sa kahoy sa ilalim ng mga teklado.
-
Tipahin ang teklado gamit ang pad ng daliri mo sa ilalim lang ng dulo ng daliri. Panatilihing nakakurba ang bawat daliri, na itinataas ito mula sa buko sa likod ng kamay mo. Kapag tinipa mo ang teklado, panatilihing nakabaluktot ang kasu-kasuan ng daliri mo.
Pagtugtog Ayon sa Numero ng mga Daliri
Para matulungan kang ilapat ang tamang daliri sa bawat teklado, binibigyan ng numero ang mga daliri tulad ng makikita rito. Ang numero ng mga daliri ay nakasulat sa tabi ng mga nota sa pahina.
Ipaibabaw ang kamay mo sa anumang grupo ng limang teklado, na bawat daliri ay nasa ibabaw ng isang teklado. Praktisin ang numero ng mga daliri sa pamamagitan ng pagtipa sa mga teklado gamit ang tamang daliri tulad ng nakasaad. Ang mga notang may mga tuwid na linya pataas ay para sa kanang kamay. Ang mga notang may mga tuwid na linya pababa ay para sa kaliwang kamay.
Pagtugtog ng “May Luntiang Burol”
Ilagay ang mga kamay mo sa keyboard tulad ng makikita sa ibaba.
Gamitin ang mga grupo ng dalawa at tatlong itim na teklado para mahanap mo ang tamang puwesto.
Tugtugin ang himnong ito, na sinusunod ang numero ng mga daliri tulad ng makikita. Ang mga notang may mga tuwid na linya pataas ay para sa kanang kamay, at ang mga notang may mga tuwid na linya pababa ay para sa kaliwa. Praktisin ang himno hanggang sa maging komportable ka rito. Gamitin ang mga tuntunin ng tamang paglapat ng mga daliri na nakalista sa siyam-na-puntong checklist.
Ngayo’y naipakita na sa iyo kung paano tumugtog ng piyano at natutuhan mong tugtugin ang himig ng isang simpleng himno. Para matugtog ang iba pang mga himno, kailangan mong matutuhan ang ilang mahahalagang tuntunin tungkol sa mga kumpas, ritmo, at nota.
Narito ang pinakamagandang parte: ang lesson na natutuhan mo ngayon lang ang unang lesson sa Church Keyboard Course, na makukuha sa anim na wika mula sa Church distribution.1 Ang easy-to-follow instruction plan ay tinutulungan kang matutong mag-isa o sa mga grupo. Baka mapalahok mo pa nga ang buong pamilya mo sa pag-aaral ng piyano bilang isang aktibidad sa family home evening. Ang kurso ay maaaring tapusin sa loob lang ng anim na linggo.
Makikita sa maraming pag-aaral na ang pribadong pag-aaral ng musika ay tumutulong na mapahusay ng mga estudyante ang kanilang tuon, kahusayan sa pag-aaral, at galing sa pangangatwiran.2
Sa pag-aaral ng mga kasanayan sa musika, napapaunlad natin ang mga talentong bigay sa atin ng Panginoon, nadaragdagan natin ang ating kaalaman, at natututo tayo ng maraming iba’t ibang paraan para magamit natin ang ating kaalaman at mga talento sa pagtatayo ng Kanyang kaharian.