Tampok na Doktrina
Kagalakan ang Susi sa Ating Espirituwal na Kaligtasan
“Kapag nakatuon ang ating buhay sa plano ng kaligtasan … at kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, makadarama tayo ng kagalakan anuman ang nangyayari—o hindi nangyayari—sa ating buhay. …
“… Ang Kanyang kagalakan ay hindi nagbabago, na tinitiyak sa atin na ang ating ‘mga pagdurusa ay maikling sandali na lamang’ [D at T 121:7] at ilalaan sa ating kapakinabangan. …
“… Tulad sa lahat ng bagay, si Jesucristo ang ating dakilang huwaran, ‘na Siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus’ [Sa Mga Hebreo 12:2]. Isipin ninyo iyan! Para mapagtiisan Niya ang pinakamatinding karanasang tiniis sa lupa, nagtuon ang ating Tagapagligtas sa kagalakan! …
“Kung titingnan natin ang mundo at susundin ang mga pormula nito sa kaligayahan, hindi tayo kailanman daranas ng kagalakan. … Ang kagalakan ay isang kaloob sa matatapat.”