2017
Maging Liwanag
April 2017


Maging Liwanag!

“Itaas ninyo ang inyong ilawan upang ito ay magliwanag sa sanlibutan. Masdan, ako ang ilaw na inyong itataas” (3 Nephi 18:24).

Be a light

Maaari tayong maging liwanag sa iba sa pagiging tunay na kaibigan. Basahin ang mga ideya sa ibaba at magdagdag ng ilang sarili ninyong ideya. Tuwing susulat ka ng pangalan ng isang taong gusto mong pakitaan ng pagmamahal, kulayan pang lalo ang araw.

  1. Mahalin ang iba: Makakagawa ka ng malaking kaibhan sa kanilang buhay! Mahal sila ni Cristo, kaya sikaping ipakita sa kanila ang pagmamahal na iyon.

    Sino: __________________________

  2. Magpatawad: Kung nasaktan ka ng isang tao, sikaping tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang pananaw. Mapapalambot mo ang puso nila kung magpapatawad ka.

    Sino: __________________________

  3. Magpalakas ng loob: Purihin ang mga kalakasan ng mga kaibigan mo. Tingnan ang pinakamabuti sa kanila kahit na kailangan nilang magpakabuti pa. Ang paggawa ng lahat ng makakaya mo ay nakakatulong din sa kanila!

    Sino: __________________________

  4. Makinig sa Espiritu Santo: Ang iyong mga salita ay maaaring mapabuti ang isang masamang sitwasyon. Maipapaalam sa iyo ng Espiritu Santo kung ano ang sasabihin at paano magpakita ng kabaitan.

    Sino: __________________________

  5. Huwag magtsismis kailanman: Nakakasakit ang masasakit na salita. Huwag husgahan nang basta-basta ang iba, at huwag pansinin ang mga negatibong kaisipan.

    Sino: __________________________

  6. Suportahan ang iyong mga kaibigan: Ang pagpunta lang sa isang sports event o school play ng isang kaibigan ay magpapadama na sa kanila na mahal mo sila.

    Sino: __________________________

  7. Hikayatin ang iba na matuto pa tungkol sa ebanghelyo: Kahit hindi nila tanggapin ang sinasabi mo, naipakita mo na sapat ang malasakit mo sa kanila para ibahagi ito.

    Sino: __________________________

  8. Makipagkaibigan sa iba’t ibang klase ng tao: Napakaraming kabutihang maibabahagi ang iba. Tinulungan at minahal ni Cristo ang lahat ng tao anuman ang mangyari.

    Sino: __________________________