Mensahe sa Visiting Teaching
Sumpa at Tipan ng Priesthood
Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at maghangad ng inspirasyong malaman kung ano ang ibabahagi. Paano ihahanda ng pag-unawa sa layunin ng Relief Society ang mga anak na babae ng Diyos para sa mga pagpapala ng buhay na walang hanggan?
Kapag mas naunawaan nating kababaihan na ang sumpa at tipan ng priesthood ay personal na angkop sa atin, mas matatanggap natin ang mga pagpapala at pangako ng priesthood.
Sinabi ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Lahat ng gumawa ng sagradong mga tipan sa Panginoon at tumutupad sa mga tipang iyon ay may karapatang makatanggap ng personal na paghahayag, mapaglingkuran ng mga anghel, makipag-ugnayan sa Diyos, matanggap ang kabuuan ng ebanghelyo, at, sa huli, maging mga tagapagmana na kasama ni Jesucristo sa lahat ng mayroon ang Ama.”1
Ang mga pagpapala at pangako ng mga sumpa at tipan ng priesthood ay nauukol kapwa sa kalalakihan at kababaihan. Sabi ni Sister Sheri L. Dew, dating tagapayo sa Relief Society General Presidency, “Ang kaganapan ng priesthood na nakapaloob sa pinakamataas na mga ordenansa ng bahay ng Panginoon ay matatanggap lamang ng isang lalaki at babae nang magkasama.”2
Ipinalabas ni Sister Linda K. Burton, Relief Society General President, ang panawagang ito, “Inaanyayahan ko kayo na isaulo ang sumpa at tipan ng priesthood, na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44. Sa paggawa nito, ipinapangako ko sa inyo na palalawakin ng Espiritu Santo ang inyong pang-unawa tungkol sa priesthood at bibigyan ng inspirasyon at palalakasin kayo sa napakagandang paraan.”3
Ang mga tagubilin ni Joseph Smith sa Relief Society ay nilayon na ihanda ang kababaihan na “mapapasa[kanila] ang mga pribilehiyo, pagpapala, at kaloob ng priesthood.” Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng ordenansa ng templo.
“Ang mga ordenansa sa templo [ay] mga ordenansa ng priesthood, ngunit hindi ito nagkakaloob ng katungkulan sa Simbahan sa kalalakihan o kababaihan. [Tinutupad ng mga ordenansang ito] ang pangako ng Panginoon na ang kanyang mga tao—ang kalalakihan at kababaihan—ay ‘[pagka]kalooban ng kapangyarihan mula sa kaitaasan’ [D at T 38:32].”4
Mga Karagdagang Banal na Kasulatan at Impormasyon
Doktrina at mga Tipan 84:19–40; 121:45–46; reliefsociety.lds.org