Mga Figure sa Kasaysayan ng Simbahan Pangangaral ng Ebanghelyo Gamitin ang mga ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng kasaysayan ng Simbahan! Matapos maorganisa ang Simbahan, gusto ng Ama sa Langit na marinig ng lahat ang ebanghelyo. Ang unang missionary ay ang kapatid ni Joseph Smith na si Samuel. Si Hyrum, na kuya ni Joseph, ay nagturo din sa iba tungkol sa ebanghelyo. Isang araw sinabi ng isang lalaking nagngangalang Parley P. Pratt kay Hyrum na ginugol niya ang buong maghapon sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon. Marami pang itinuro sa kanya si Hyrum tungkol sa Simbahan, at nabinyagan siya. Pagkatapos ay nagmisyon si Parley! Naging isang pinuno siya sa Simbahan.