Mga Kabataan
Paglilingkod sa Iba nang May Pananampalataya
Sinabi sa atin ni Pangulong Uchtdorf na ang ating pananampalataya sa Diyos ay kailangang “samahan ng gawa.” Kapag ang ating pananampalataya ay “palaging may kasamang gawa,” paliwanag niya, “pinupuspos nito … ang kaluluwa ng kapayapaan at pagmamahal.” Sa pangako ng pagpapalang ito, maaari tayong makagawa ng kaibhan, at makikita natin ito sa ating buhay kung maglilingkod tayo nang may pananampalataya. Maaari kang manalangin tuwing umaga para humingi ng tulong sa Panginoon sa paglilingkod sa iba. Halimbawa, hilingin sa Kanya na ipakita sa iyo kapag nangailangan ng tulong ang isang kapatid sa gawaing-bahay o nangailangan ng papuri ang isang kaibigan. Pagkatapos, kapag nakatanggap ka ng pahiwatig, sundin ito! Kung makakagawian mo ang pagdarasal at paglilingkod na ito, ang iyong matapat at patuloy na paggawa ay magpapala sa buhay mo at ng ibang tao. Nangako si Pangulong Uchtdorf na “makakaya [mong] baguhin ang mga indibiduwal, pamilya, bansa, at ang mundo.”