“Isang sister missionary ang bumati sa akin at ngumiti. Akala ko’y isa siyang anghel. Simula nang araw na iyon, nagbago na ang buhay ko. Labingpitong taon na ngayon ang nakalipas, at lahat ng iniisip ko para wakasan ang buhay ko ay naglaho. Ngayon, maganda na ang pananaw ko. Kapag may mga pasanin ako, ipinauubaya ko ito sa Diyos. Natuto na akong umasa sa Kanya sa lahat ng bagay. Maganda ang buhay para sa akin.”