2018
Mga Kapatid na Nililiwanagan ang Sanglibutan
Disyembre 2018


Paningningin ang Inyong Liwanag

Mga Kapatid na Nililiwanagan ang Sanglibutan

Brothers Who Light the World

Hi! Kami sina Hubert at Jayden. Nakatira kami sa isang bansang tinatawag na Ghana. Malapit ang lungsod naming Accra sa Karagatang Atlantiko. May magandang templo rin doon!

Jayden: Isang Pamaskong Awitin

Isinadula ng klase namin sa paaralan ang pagsilang ni Cristo, at ako ang tumugtog ng piano sa buong programa. Tinuruan ko ang lahat na kantahin ang “Oh Holy Night.”

Jayden: Pagtuturo sa mga Kapitbahay

Gusto kong turuan ang mga kapitbahay namin kapag naglalaro kami dahil gusto ko silang paglingkuran. Sa Mateo 5:16, itinuro sa atin ni Jesus na paningningin ang ating liwanag. Kapag ginagawa ko ito, sumasaya ako.

Hubert: Pagtulong sa mga Nagugutom

Sa break time sa paaralan, nakikita ko ang mga taong nagugutom at walang makain. Hinahatian ko sila ng pagkain ko at tumutulong na pagandahin ang pakiramdam nila. Matapos ko silang hatian, sumasaya ako.

Hubert: Pagtugtog ng Organ

Sa simbahan ako ang tumutugtog ng organ para kumanta ang mga miyembro. Kapag ginagawa ko ito, sumasaya ako.

Liwanagan Natin ang Mundo

Sabi sa mga banal na kasulatan, si Jesus ang Ilaw at Buhay ng sanglibutan. Kaya liwanagan natin ang mundo!

Salamat sa Pagpapadala ng Inyong mga Butuin sa Liahona!

Ngayong taon pinuno ninyo ng libu-libong bituin at kuwento ng inyong mapagmahal na paglilingkod ang ating kalangitan. Tunay na napaningning ninyo ang inyong ilaw!