Narito ang Simbahan
La Paz, Bolivia
Ang Bundok ng Illimani na natatakpan ng niyebe ay nagbibigay ng isang kahanga-hangang tagpo para sa mataas na lungsod ng La Paz na puro red brick ang mga gusali, na kadalasa’y itinuturing na administrative center ng Bolivia dahil napakaraming opisyal na tanggapan ng pamahalaan ang naroroon.
Dumating sa Bolivia ang mga missionary na nangangaral sa Andes Mission noong Nobyembre 1964 at nagdaos ng miting na dinaluhan ng 19 na katao. Bininyagan at kinumpirma nila ang unang convert pagkaraan ng isang buwan. Ngayon, mahigit 203,000 na ang mga miyembro ng Simbahan sa Bolivia sa 255 kongregasyon at 5 mission. Ang pinakamalapit na templo ay nasa Cochabamba, 145 milya (233 km) ang layo, pitong oras na biyahe sa sariling sasakyan mula sa La Paz.
Ang Simbahan sa Bolivia ay kilala sa mga makataong proyekto ng komunidad, kabilang na ang pamimigay ng mga wheelchair at neonatal medical equipment; paglahok sa mga blood drive; pagsuporta sa agrikultura, pagtatanim sa bahay, at mga pagsisikap na paunlarin ang nayon; at pag-organisa ng mga pagtulong sa oras ng pangangailangan.
-
Nagkikita-kita ang mga Banal sa mga Huling Araw sa La Paz metropolitan area sa 40 iba’t ibang lugar.
-
Espanyol ang nangungunang wika, ngunit maraming nagsasalita ng wikang Quechua, Aymara, o Guarani.
-
Ang unang full-time missionary mula sa Bolivia ay tinawag noong 1967.
-
Disyembre 2014 ang ika-50 anibersaryo ng Simbahan sa Bolivia. Ang mga miyembro sa La Paz ay nagdaos ng pagdiriwang ng komunidad noong Enero 2015.