Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Jonas at ang Balyena
Mula sa Jonas 1–4.
Sinabi ng Diyos kay Jonas na magmisyon. Pupunta siya dapat sa isang lungsod na tinatawag na Ninive at sasabihin sa mga tao na magsisi. Subalit hindi nais na Jonas na pumunta roon. Sumakay siya sa isang barko na patungo sa ibang lungsod.
Dumating ang isang napakatinding bagyo. Natakot ang mga mandaragat na baka lumubog ang kanilang barko! Alam ni Jonas na ipinadala ng Diyos ang bagyo dahil tumakas siya. Sinabi niya sa mga mandaragat na ihagis siya sa dagat upang tumigil ang bagyo.
Nagpadala ang Diyos ng isang balyena upang sagipin si Jonas. Siya ay nanatili sa tiyan ng balyena nang tatlong araw. Si Jonas ay nanalangin. Siya ay nagpasiyang magsisi at sundin ang Diyos. Sinabi ng Diyos sa balyena na ilabas si Jonas sa lupa.
Pumunta si Jonas sa Ninive. Nagturo siya sa mga tao roon. At nakinig ang mga tao sa Ninive! Sila ay nagsimula muling sundin ang Diyos.
Kapag nakagawa ako ng maling pagpili, ako ay makapagsisisi at makasusubok muli. Mahal ng Diyos si Jonas, at mahal ako ng Diyos!