2018
Saan na Napunta ang mga Home at Visiting Teacher Ko?
Disyembre 2018


Saan na Napunta ang mga Home at Visiting Teacher Ko?

Ang pagiging maluwag ng ministering ay dapat maghikayat sa atin na magpakita ng dagdag na malasakit, hindi para pagpahingahin tayo.

three women talking

Isa sa mga kaibigan ko ang nalilitong nagtanong sa akin kamakailan lamang, “Saan na napunta ang mga visiting teacher ko?” Mula nang pumanaw ang asawa niya, inalagaan nila siya at binigyan ng atensyon, ngunit simula nang ipahayag ang bagong programa ng ministering sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018, hindi na niya nakita ni anino nila.

Lahat tayo ay naninibago pa sa bagong paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at maaaring hindi naintindihan ng ilang mga ministering brother at sister na bagama’t ang pagbisita sa tahanan ay hindi lamang ang tanging paraan ng pagmiminister, ito ay tiyak na magandang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at tunay na malasakit—at maraming miyembro pa rin ang nangangailangan nito.

Pag-una sa Bakit nang higit kaysa sa Paano

Para sa ilan, ang problema ay maaaring ang hindi pagkaintindi sa layunin ng pagbabago. Ang layunin sa likod ng pagpapalit sa home at visiting teaching ng ministering ay hindi lamang para baguhin kung paano tayo nangangalaga sa isa’t isa kundi para tulungan tayong magabayan kung bakit.

Ang tunay na layunin ng ating ministering ay upang tulungan ang iba na maging mas taimtim na magbalik-loob sa Tagapagligtas na si Jesucristo at lumago tungo sa kanilang banal na potensyal. Ang dagdag na pagiging maluwag ng programa ay hindi para hikayatin tayo na luwagan ang ating pagsisikap; ito ay para magtulot ng dagdag ng pagkakataon sa Espiritu na gabayan ang ating mga pagsisikap.

Kaya ang desisyon kung kailangan ba o hindi ng isang tao ang ating pagbisita ngayon ay dapat nakabatay sa kung ano ang tutulong sa kanila na sumulong sa landas ng Ama sa Langit para sa kanila.

Sama-samang Pag-aaral

Sa kabila ng kawalan ng katiyakan sa umpisa sa kung ano ang inaasahan sa atin sa ating pagmiminister, ang ating mga kapatid ay nagtutulungan sa isa’t isa. Saanman ako magpunta, lubos na nakatutuwang marinig mula sa hindi mabilang na kababaihan (at maraming kalalakihan) ang mga kuwento nila sa positibong epekto ng kanilang ministering—o ng pagminister na natanggap nila—sa mga relasyon at personal na paglago.

Kamakailan ay nanggaling ako sa North Carolina, USA, kung saan nagbahagi ang isang ward Relief Society president ng ilang mga ideya na natanggap niya mula sa mga stake leader. Kasama ang ilang paglilinaw, sa tingin ko ay maganda ang mga ito at dapat ibahagi.

ministering chart 1
ministering chart 2

Magpatuloy

Lahat tayo ay natututo nang magkakasama sa pagtanggap ng “mas bago, mas banal na paraan” ng ministering.1 Maaaring ang ilan sa atin ay kinakabahan o natatakot. Matutulungan tayo kung iisipin natin na ang “mas bago at mas banal” ay hindi nangangahulugang “walang kamali-mali at hindi matatamo.”

Kung sa tingin ninyo ay hindi pa kayo sigurado sa mga layunin ng ministering at kung paano ito gagawin o alam na ninyo ito, inaanyayahan ko kayo na panoorin at basahin ang mga resource sa ministering.lds.org at pag-aralan ang Mga Alituntunin sa Ministering na inilalathala kada buwan sa Liahona (tingnan sa pahina 8 sa isyu na ito). Ang mga materyal na ito ay tutulungan kayong mai-akma ang inyong mga pagsisikap sa ministering sa gawain ng Tagapagligtas.

Maraming salamat, kahanga-hangang mga kapatid, sa pagmamahal at malasakit at pagtulong, at paglalaan ng inyong sarili. Tunay na kayo ay pambihira, at ang inyong ministering ay magiging “hindi pangkaraniwan”!2

Mga Tala

  1. Russell M. Nelson, “Ministering,” Liahona, Mayo 2018, 100.

  2. Emma Smith, sa Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian: Ang Kasaysayan at Gawain ng Relief Society (2011), 14.