2018
Nakapagsisi na ako, pero nakokonsensya pa rin ako. Paano ako mapapayapa?
Disyembre 2018


Tuwirang Sagot

Nakapagsisi na ako, pero nakokonsensya pa rin ako. Paano ako mapapayapa?

Dahil sa walang-hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, mawawala ang pagkakonsensya mo kung lubos kang magsisisi. Subalit kung minsan, may mga sandali na nakokonsensya ang mga tao sa alaala ng mga pagkakasala nila kahit nagsisi na sila.

Ang pagkakonsensya, o “kalumbayang mula sa Dios” (II Mga Taga Corinto 7:10), ay maaaring makatulong. Maitutuon natin ang ating isipan kay Jesucristo at hihikayatin tayo nito na tunay na magsisi at magbago. Ang pagkapahiya, sa kabilang dako, ay itinutuon ang ating isipan sa ating sarili at hinahadlangan ang ating pagsulong.

Nagbibigay sa atin ang Aklat ni Mormon ng magagandang halimbawa kung paano tayo maaaring magsisi at pagkatapos ay magtamasa ng kapayapaan kay Jesucristo:

  • Ang pag-alaala sa kanyang nakaraang mga kasalanan ay naging dahilan para purihin ni Ammon ang Tagapagligtas at ang Kanyang awa, na naghatid sa kanya ng kagalakan sa halip na pagdurusa (tingnan sa Alma 26:17–20).1

  • Matapos “maapuhap ng [isipan ni Alma] ang kaisipan” tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, “hindi na [siya] sinaktan pa ng alaala ng [kanyang] mga kasalanan” (Alma 36:17–19). Kahit naroon pa rin ang alaala, hindi na siya pinahirapan nito.2

Mga Tala

  1. Tingnan sa Richard G. Scott, “Katahimikan ng Budhi at Kapayapaan ng Isipan,” Liahona, Nob. 2004, 18.

  2. Tingnan sa Dieter F. Uchtdorf, “Hangganan ng Ligtas na Pagbalik,” Liahona, Mayo 2007, 101.