Ang Unang Paglalakbay sa Pasko
Ikinukuwento natin ang kasaysayan ng Pasko bawat taon, pero gaano kadalas natin ikinukuwento ang paglalakbay nina Maria at Jose? Ang kanilang pananampalataya at mga sakripisyo ay mahalagang bahagi ng kuwento.
Si Maria ay taga-Nazaret, isang nayon na may 400–500 mamamayan.1 Para sa mundo, isa siyang simpleng batang taga-bukid. Pero tinanggap nila ni Jose ang tungkuling alagaan at palakihin ang Anak ng Diyos.
2. Lucas 2:4–5
Halos apat hanggang limang araw ang paglalakbay patungong Betlehem,2 at walang sinabi sa mga banal na kasulatan tungkol sa burikong kasama nila sa mabatong kaburulan. Kahit “kagampan” o malapit nang manganak, sumama si Maria kay Jose sa paglalakbay na naging katuparan ng propesiya na: ang Mesiyas ay isisilang sa Betlehem (tingnan sa Mikas 5:2).
3. Lucas 2:7–11
Sa Betlehem, walang sariling bahay o kuna sina Jose at Maria na hihigaan ng Hari ng mga hari. Malamang ay matindi ang nadama nilang pagpapakumbaba nang masaksihan nila, sa gitna ng hamak na pagsilang, ang malilinaw na palatandaan na ang sanggol na ito ang Anak ng Diyos.
Walang babala, kinailangang lisanin ng maliit na pamilya ang kanilang lungsod at bayan. Bago pa nag-dalawang taon ang batang Cristo, nanganib na ang Kanyang buhay (tingnan sa Mateo 2:16). Ngunit ang dedikasyon at pagmamahal sa kanilang Tagapagligtas ang nagganyak kina Maria at Jose na maglakbay nang malayo patungong Egipto.
Makalipas ang kaunting panahon sa isang di-pamilyar na lupain, ginawa nina Jose at Maria ang kanilang pinakamalayong paglalakbay. Ngunit tila mas maikli ang mga milya, dahil sa pagkakataong ito, pauwi na sila. Pagdating doon, sumampalataya sila sa Diyos at pinalaki nila Siya na “tatawaging Nazareno” (Mateo 2:23).
Gaya nina Maria at Jose, nilalakbay rin natin ang sarili nating paglalakbay na kasama si Jesucristo. Kahit mahaba at mahirap ang papunta, inilalapit tayo ng bawat yapak ng pananampalataya sa buhay na walang hanggan—isang kaloob na ibinigay ng ating mapagmahal na Tagapagligtas, kung saan ginawang posible ng sarili Niyang paglalakbay ang kaligtasan.