Paano Tayo Makakahanap ng Kagalakan at Kaligayahan?
Para sa akin at sa marami pang iba, masalimuot isipin kung minsan kung paano maging masaya—kahit pa pinipili nating mamuhay nang matwid. Paminsan-minsan naiisip ko, “Sumusunod naman ako sa mga utos, pero bakit nahihirapan akong makaramdam ng saya?”
Maraming bagay ang nakakasira ng ating kaligayahan o kapakanan tulad ng kawalan ng trabaho, kamatayan ng isang mahal sa buhay, o paghina ng katawan at isipan. Gayunpaman, naniniwala ako na anuman ang hirap na nararanasan mo, bubuti pa rin ang sitwasyon mo! Sa aking artikulo na, “Ang Hangad na Lumigaya,” sa pahina 24, nagbahagi ako ng pananaw ng ebanghelyo kaakibat ang pananaliksik na batay sa siyensya nang may mithiing mahanap ang kaligayahan, lalo na kapag tila hindi makamtan ito.
Itinuturo sa atin ng artikulo ni Elder David A. Bednar sa pahina 18 na “Jesucristo: Pinagmumulan ng Walang Hanggang Kaligayahan,” ang tungkol sa tunay at tumatagal na kaligayahan. Ang kanyang artikulo na puno ng mga banal na kasulatan at mga mensahe mula sa propeta ay naglalaman ng tagubilin na mahalaga sa ating walang-hanggang kapakanan pati na rin sa pagkakaroon ng kagalakan sa buhay na ito.
“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon,” sabi sa mga banal na kasulatan, “at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan” (2 Nephi 2:25). Matapos ang madidilim na gabi, laging nagbabalik ang liwanag kinaumagahan.
David Dickson
Mga Magasin ng Simbahan