Ang Maraming Anyo ng Kaligayahan
Narito ang ilang ideya kung ano ang nagpapaligaya sa buhay ng isang tao. Sa pahina 24, saliksikin natin nang husto ang paksang ito, kabilang na ang siyam na estratehiya para maging mas maligaya.
“Hindi saya ang dahilan kaya tayo nagpapasalamat. Ang pagpapasalamat ang nagpapasaya sa atin.”
David Steindl-Rast, Catholic Benedictine monk, “Want to Be Happy? Be Grateful,” TEDGlobal 2013 (video), Hunyo 2013, ted.com.
“Kung walang mabubuting kaisipan walang kapayapaan, at kung walang kapayapaan walang kaligayahan.”
Mahatma Gandhi, The Selected Works of Mahatma Gandhi: The Voice of Truth (1968).
“Kung nais mong sumaya ang iba, magkaroon ka ng habag; at kung nais mong ikaw mismo ay sumaya, magkaroon ka ng habag.”
Dalai Lama, sa Dalai Lama at Howard C. Cutler, The Art of Happiness: A Handbook for Living (2009).
“Sa mga nayon sa Africa, bumabati ang isang tao ng, ‘Kumusta naman tayo?’ Nakikita ng pag-unawang ito na ang mga tagumpay o kaligayahan ng ibang tao ay ating-atin talaga.”
Desmond Tutu, Archbishop Emeritus ng Cape Town, South Africa, sa 14th Dalai Lama, Desmond Tutu, The Book of Joy: Lasting Happiness in a Changing World (2016).
“Kaligayahan ang layunin at plano ng buhay. ‘Ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan’ [2 Nephi 2:25]. Ang kabutihan, pagkamatuwid, katapatan, kabanalan, at pagsunod sa mga utos ng Diyos ay humahantong sa masayang buhay.”
Pangulong David O. McKay, Pathways to Happiness (1964).