2019
Hello mula sa Colombia!
Disyembre 2019


Hello mula sa Colombia!

Hello from Colombia

Hi, kami sina Margo at Paolo.

Samahan ninyo kami sa paglibot sa Colombia!

Ang Colombia ay nasa hilagang Timog Amerika. Ang bansang ito na Espanyol ang salita ay may mga 49 milyong tao, at mga 200 libong miyembro ng Simbahan.

Tropikal ang klima sa Colombia, at maraming iba’t ibang halaman at hayop dito. Sa katunayan, mas maraming uri ng ibon dito kaysa anupamang bansa! Marami sa mga ito ay hindi matatagpuan saanman sa mundo, tulad ng napakamakulay na tanager na ito.

Ang kinakain ng batang ito ay arepa, isang masarap na cornmeal cake. Madalas itong kainin ng mga tao sa Colombia nang may kasamang keso at karne.

Sa Colombia, ang Disyembre 7 ay el Día de las Velitas (ang Araw ng maliliit na Kandila). Nagsisindi ng libu-libong kandila ang mga tao rito para simulan ang Kapaskuhan.

Sa buwang ito, isang taon na ang lumipas mula nang ilaan ang Barranquilla Colombia Temple.

Narito ang larawan ng bagong templo. Ang Colombia ay may isa pang templo, sa kabiserang lungsod ng Bogotá.

Kilalanin natin ang ilang kaibigan mula sa Colombia!

“Pinagpala at masaya ako na nasa buhay ko ang ebanghelyo. Alam ko na buhay si Jesucristo at mahal niya tayo at na ipinanumbalik ni Propetang Joseph Smith ang Simbahang ito. Nagpapasalamat ako na may propetang gumagabay sa atin.”

Camila R., edad 10 Valle del Cauca, Colombia

“Alam ko nang buong puso na ang aking Ama sa Langit at si Jesucristo ay buhay at mahal tayo. Inihayag nila kay Joseph Smith na isalin ang Aklat ni Mormon para mabasa ito ng lahat ng tao.”

Luis V., edad 12, Valle del Cauca, Colombia

Salamat sa pagsama sa amin sa pagbisita sa Colombia. Hanggang sa muli!