2019
Mga Tupa at ang Kanilang Pastol
Disyembre 2019


Mga Tupa at ang Kanilang Pastol

Mula sa isang interbyu ni Christina Crosland.

“Ang Panginoon ay aking pastor” (Awit 23:1).

Sheep and Their Shepherd

Lumaki ako sa isang rantso ng mga baka sa Montana, USA. Nagkaroon din kami ng mga 300 tupa sa rantso. Binili ng nanay ko ang mga ito para kumita kami ng pera para sa aming misyon.

Ang trabaho ko ay alagaan ang mga tupa na walang inang nag-aalaga sa kanila. Kapag hindi lang iisa ang inanak ng isang tupa, kung minsa’y hindi niya inaalagaan ang lahat ng kordero. Kaya iyon ang mga tupang inalagaan ko. May 5 hanggang 10 tupang ganito bawat taon.

Araw-araw, nagpupunta ako sa pastulan sakay ng aming maliit na kotseng asul, na tinatawag na Volkswagen Beetle, at bumubusina ako. Pagkatapos ay binubuksan ko ang mga pintuan ng kotse. Maglalapitan ang mga tupang iyon saanman sila naroon sa bukirin. Alam nila ang tunog ng lumang Volkswagen na iyon. Tumatalon sila sa likuran ng kotse, at dinadala ko sila sa kamalig at pinakakain.

Katulad tayo ng mga korderong iyon. Naninirahan tayo sa iba’t ibang lugar at may iba’t iba tayong mga hamon sa buhay. Ngunit tinutulungan ni Jesus ang bawat isa sa atin. Maaari tayong matutong makinig sa Kanyang tinig. Maaari tayong bumaling sa Kanya para sa kapanatagan at katiwasayan. Maaari nating madama na mahal Niya tayo at ng Ama sa Langit.

Nang umasa ako kay Jesus bilang Pastol sa buhay ko, nagbago ang buhay ko. Kapag sinunod natin ang kalooban ng Tagapagligtas, madarama natin ang Kanyang pagmamahal at matututo tayong magtiwala sa Kanya.