Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Isinilang si Jesus
Tuwing Pasko ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesucristo.
Larawan
Jesus, Mary, and Joseph
Si Jesus ay isinilang sa Betlehem. Ang pangalan ng Kanyang ina ay Maria, at si Jose ang asawa ni Maria.
Larawan
Simeon with baby Jesus
Dinala nina Maria at Jose ang sanggol na si Jesus sa templo sa Jerusalem. Doon, hinawakan ng isang lalaking nagngangalang Simeon ang sanggol na si Jesus. Nadama niyang sinabi sa kanya ng Espiritu Santo na si Jesus ay anak ng Diyos.
Larawan
Anna
Isang babaeng nagngangalang Ana ang nakakita kay Jesus at alam niyang Siya ang Tagapagligtas. Sinabi niya sa ibang tao ang tungkol sa Kanya.
Larawan
boy holding lantern
Iniisip ko si Jesus sa araw ng Pasko. Siya ay totoong buhay. Mahal Niya ako!