2019
Hindi Ka Nag-iisa—Magtiwala Ka sa Akin
Disyembre 2019


Mga Young Adult

Hindi Ka Nag-iisa—Magtiwala Ka sa Akin

Christmasy window

Larawan ng isang babae mula sa Getty Images

Noong naging young adult na ako, akala ko ay alam na alam ko na kung ano ang kalungkutan. Maraming beses akong nagpalipat-lipat habang lumalaki ako, kaya marami akong karanasan na umalis ako sa comfort zone ko upang makipagkaibigan. At nang pakasalan ko ang pinakamabait na lalaki sa paligid, alam kong hindi na ako muling malulungkot, tama?

Mali.

Ang kalungkutan sa pagiging young adult ay halos hindi maiiwasan, kahit na sandali lamang ito tumatagal. Napakarami nating bagay na kailangang gawin na siyang nagpapataranta sa atin. Marami tayong tinatanggap na bagong tungkulin: estudyante, asawa, empleyado, o magulang. Lumalayo na tayo sa ating tahanan at pamilya. Kailangan nating gumawa ng malalaki—maging ng mga naglalayong— mga desisyon. Bukod pa rito, hindi pa rin tayo makakatakas mula sa araw-araw at di-karaniwang mga pagsubok ng buhay. Lahat ng mga bagay na ito ay maaaring makadagdag sa kalungkutan na isa sa mga pinakakaraniwang nararamdaman ng mga young adult ngayon. Sa kabutihang-palad, may mga paraan upang labanan ang kalungkutang ito, at patungkol dito ang bahaging ito.

Sa pahina 44, ibinahagi ni Shaila kung paano nakatulong sa kanya ang pagsapi sa Simbahan na madaig ang kalungkutan. Sa pahina 48, itinuro sa atin ni Mindy kung paano makakahanap at mapapahalagahan ang pakikipagkaibigan tulad ng ginawa ni Cristo. At sa mga digital-lamang na artikulo, binabalangkas ni Bella ang mga maaaring maging epekto ng mabuting pakikipagkaibigan sa atin, at nagbigay ako ng ilang payo para sa mga nalulungkot habang malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan.

May mga paraan upang madaig ang kalungkutan—ito man ay sa paglabas ng bahay at pakikipagkaibigan, tapat na pakikisalamuha sa iba araw-araw, o pagkakaroon ng mas malapit na ugnayan sa Tagapagligtas. Kapag natanto natin na si Jesucristo ay kasama natin sa tuwina, kapag nakikita natin na tayo ay hindi tunay na nag-iisa, magkakaroon tayo ng lakas na lumabas sa ating sarili, magkaroon ng magandang pag-uugnayan, at pagpalain ang buhay ng mga nakapaligid sa atin.

Mula sa isang taong naniniwala sa inyo,

Alexandra Palmer