Mula sa Unang Panguluhan
Ang Ilaw ng Sanglibutan
Hango sa Pamaskong Debosyonal ng Unang Panguluhan noong 2011.
Ang liwanag ay isa sa pinakamagagandang simbolo ng pagsilang ni Jesucristo. Nang isilang si Jesus, naghatid Siya ng liwanag sa isang madilim na mundo.
Itinuro ng mga propeta na ang liwanag ay magiging tanda ng pagsilang ng Tagapagligtas. Ilang taon bago isinilang si Jesus, ipinropesiya ni Samuel na Lamanita:
“Magkakaroon ng mga dakilang liwanag sa langit, kung kaya nga’t sa gabi bago siya pumarito ay hindi magkakaroon ng kadiliman, kung kaya nga’t sa paningin ng mga tao ito ay magmimistulang araw.
“At masdan, sisikat ang isang bagong bituin, isa na hindi pa kailanman namamasdan” (Helaman 14:3, 5).
Ginabayan ng bituing ito ang mga Pantas kay Jesus upang Siya’y sambahin. Dinalhan nila Siya ng mga mamahaling regalong ginto at kamangyan at mira.
Pinatototohanan ko na si Jesus ang Buhay na Cristo. Maaari natin Siyang alalahanin at subukin nang buong puso na magmahal na katulad Niya. Iyon ang diwa ng Pasko. Iyon ang diwa ng tunay na kaligayahan sa araw-araw.
Sundan ang Bituin
Nang isilang si Jesus, sinundan ng mga Pantas ang bituin. Kulayan ang mga bituin sa ibaba para tulungan ang mga Pantas na matagpuan si Jesus.