2020
200 Taon ng Liwanag
Abril 2020


200 Taon ng Liwanag

First Vision

Isang maganda at maaliwalas na araw 200 taon na ang nakararaan, pumasok ang isang binatilyo sa isang kakayuhan na may hangaring humingi ng tawad at ipagdasal kung aling simbahan ang dapat niyang sapian. Mula sa isang mahimalang pangitain, nalaman niya na hindi siya dapat sumapi sa alinman sa mga ito. Iyon ang tanda ng pagsisimula ng Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo—isang proseso na nagpapatuloy sa ating panahon.

Sa isyung ito, ipinagdiriwang natin ang 200 taon ng liwanag:

  • Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano tayo maihahanda, pati na ang iba, ng pagtitipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon (pahina 6).

  • Ipinakita ni Elder LeGrand R. Curtis Jr. kung paano nakatulong ang mga Banal sa mga Huling Araw sa patuloy na Panunumbalik—at kung paano makakatulong ang bawat isa sa atin (pahina 18).

  • Para sa mga kabataan, ibinahagi ni Elder Neil L. Andersen ang limang katotohanan na matututuhan natin mula sa Unang Pangitain (pahina 52).

Habang natututo tayo mula sa mga salita ng ating propeta at sa mga kuwento ng matatapat na Banal, nawa’y malaman natin ang nalaman ni Propetang Joseph 200 taon na ang nakararaan: na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay tunay at buhay na mga nilalang na nagmamahal sa atin. At ibahagi natin ang kaalamang iyan sa ating mga kaibigan at kapitbahay.

Tapat na sumasainyo,

Elder Randy D. Funk ng Pitumpu

Editor ng Mga Magasin ng Simbahan