Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Ano ang Kahulugan ng Panatilihing Nakasulat sa Ating Puso ang Pangalan ni Cristo?
Abril 20–26 Mosias 4–6
Sa Aklat ni Mormon, maraming itinatawag sa mga tao—ilan lamang dito ang mga Nephita, Lamanita, at Anti-Nephi-Lehi. Ngunit hinangad ni Haring Benjamin na tawagin ang kanyang mga tao sa mas mataas at mas banal na pangalan—ang pangalan ni Jesucristo.
Narito ang paraan para mapanatili natin ang pangalan ng Tagapagligtas na “laging nakasulat sa [ating] puso” (Mosias 5:12):
Tipan sa Pamamagitan ng Binyag
Sa binyag, nakikipagtipan tayo sa Diyos na tataglayin sa ating sarili ang pangalan ni Cristo. Ano sa palagay mo ang kahulugan nito? (Tingnan sa Mosias 18:8–9.)
Tumanggap ng Sakramento
Inuutusan tayong marapat na tumanggap ng sakramento bawat linggo. Sa oras ng sakramento, muli tayong nakikipagtipan na taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo (tingnan sa Moroni 4:3).
Kumilos Bilang Disipulo ni Jesucristo
Hinihiling sa atin ng ating mga tipan na sundin ang mga kautusan. Dapat makita sa ating kilos ang hangarin nating sundan si Cristo at maging katulad Niya. Sa paggawa nito, maaari tayong patuloy na tawagin sa Kanyang pangalan. Ito ang paraan para mapanatili nating nakasulat sa ating puso ang pangalan ni Cristo (tingnan sa Mosias 5:12).