2020
Ano ang sasabihin mo kapag hindi naniniwala ang mga kaibigan mo na maaaring mangyari ang mga bagay na tulad ng Unang Pangitain?
Abril 2020


Mga Tanong at mga Sagot

Ano ang sasabihin mo kapag hindi naniniwala ang mga kaibigan mo na maaaring mangyari ang Unang Pangitain?

Confused Caucasian girl laying on blanket texting on cell phone - stock photo

Magkaroon ng Pananampalataya

Sa mga espirituwal na tanong, hindi lamang lohika ang kailangan natin; kailangan din nating magkaroon ng pananampalataya na malaman na talagang maaaring mangyari ang Unang Pangitain. Maaari tayong magtaglay ng ganyang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtatanong sa Ama sa Langit at pakikinig sa Espiritu.

Julia B., edad 17, California, USA

Pag-aralan ang Biblia

Sabihin sa mga kaibigan mo na pag-aralan ang Biblia. Kung pinaniniwalaan nila ito bilang salita ng Diyos, kung gayon dapat silang maniwala na talagang nangungusap ang Diyos sa atin ngayon na gaya ng Unang Pangitain dahil ginawa rin Niya ito kina Adan, Moises, Isaias, at iba pang mga propeta sa iba’t ibang paraan.

Elder Muanda, edad 22, Kenya Nairobi Mission

Humingi sa Dios

Ang katotohanan na tumagal ang apostasiya nang daan-daang taon ay hindi nangangahulugan na itinigil ng Diyos ang Kanyang mga pangitain. Kailangan nating magkaroon ng mapagpakumbabang puso at humiling sa Diyos nang may tunay na layunin at matapat na puso, tulad ni Joseph Smith.

Jeremi E., edad 19, Kinshasa, Democratic Republic of the Congo

Maniwala sa Diyos

Itatanong ko sa mga kaibigan ko, “Naniniwala ka ba sa Diyos? Naniniwala ka ba na Siya ang lumikha ng lahat ng bagay? Naniniwala ka ba na nagpakita Siya sa mga propeta noong unang panahon? At kung naniniwala ka, bakit hindi ka naniniwala na posible iyan ngayon? Posible ito!”

Sarah M., edad 16, Utah, USA

Ibahagi ang Iyong Patotoo

Ibinabahagi ko ang aking patotoo sa mga kaibigan ko na ang ating Ama sa Langit ay naghahayag ng mga bagay-bagay sa Kanyang mga anak kung hihiling sila sa Kanya nang may matapat na puso upang malaman ang katotohanan. Ninais malaman ni Joseph Smith na malaman ang katotohanan, at kumilos siya ayon sa kanyang pananampalataya. Kayo rin ay magkakaroon ng napakagandang karanasan kung magtatanong kayo sa Ama sa Langit nang buong puso.

Mara C., edad 20, Lima, Peru

Larawang kuha mula sa Getty Images