2020
Pangkalahatang Kumperensya sa Paglipas ng mga Taon
Abril 2020


Pangkalahatang Kumperensya sa Paglipas ng mga Taon

tabernacle and conference center

Ngayon sa ika-190 taon nito, matagal nang tradisyon ang pangkalahatang kumperensya tuwing Abril at Oktubre, ngunit may ilang nakatutuwang pagbabago sa nagdaang mga taon:

  • 1830

    Dalawang buwan matapos iorganisa ang Simbahan, namuno si Joseph Smith sa unang pangkalahatang kumperensya sa Fayette, New York. Mga 30 miyembro at ilang iba pa ang dumalo.

  • 1850

    Inilathala ng Deseret News ang unang buong ulat ng kumperensya dahil naisulat ng bata pang reporter na si George D. Watt ang mga mensahe sa shorthand.

  • 1867

    Tumagal ang pangkalahatang kumperensya nang apat na araw sa halip na karaniwa’y tatlo lamang dahil ipinasiya ng kongregasyon na manatili nang isa pang araw.

  • 1924

    Ang mga mikropono ay unang ginamit sa pulpito sa Tabernacle. Dati-rati, kinailangang umasa ng mga tagapagsalita sa lakas ng kanilang tinig para marinig sila.

  • 1949

    Gamit ang mga kamera sa Tabernacle, unang isinahimpapawid ang kumperensya sa telebisyon.

  • 1962

    Ininterpret ang mga mensahe sa iba pang mga wika—German, Dutch, at Spanish—sa unang pagkakataon sa Tabernacle. Ngayon ang mga mensahe ay ini-interpret o isinasalin sa mahigit 90 wika!

  • 1967

    Isinahimpapawid ang pangkalahatang kumperensya sa TV nang may kulay. Nakasuot ng light blue jacket ang kalalakihan ng Tabernacle Choir, at nakasuot naman ang kababaihan ng blusang kulay salmon.

  • 1977

    Mula sa tatlong araw at anim na pangkalahatang sesyon, tumagal nang dalawang araw ang kumperensya at kinabilangan ng limang pangkalahatang sesyon.

  • 2000

    Ginanap sa bagong Conference Center sa Salt Lake City, na 21,000 tao ang makakaupo, ang una nitong pangkalahatang kumperensya.

Paglalarawan ng podium ni David Green; RETRATO NG TELEBISYON MULA SA Getty Images