2020
Bakit Tayo Inaanyayahan ni Haring Benjamin na Maging Tulad ng Isang Bata?
Abril 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Bakit Tayo Inaanyayahan ni Haring Benjamin na Maging Tulad ng Isang Bata?

Abril 13–19 Mosias 1–3

Why Does King Benjamin Invite Us to Become Like a Child

Nadama mo na bang lumambot ang puso mo nang mamasdan mo ang isang bata? Ang mga bata ay madalas magsalita nang taos-puso at magpahayag ng pagmamahal at mga simpleng pananalita ng pananampalataya. Itinuro ng Tagapagligtas, “Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit” (Mateo 18:34).

Maaaring isang dahilan ito kaya hiniling ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao na hubarin ang likas na tao at maging tulad ng mga bata (tingnan sa Mosias 3:19).

Paano tayo nagiging tulad ng mga bata? Sumangguni sa Mosias 3:19 para mapunan ang mga patlang ng mga salitang ginamit ni Haring Benjamin para ilarawan ang isang taong tulad ng isang bata.

1.___________________________

2.___________________________

3.___________________________

4.___________________________

5.___________________________

6.___________________________

Linggo 3

Ang maging katulad ng isang batang musmos ay nagtutulot sa atin na mas mapalapit kay Jesucristo at madama ang kagalakan ng pagiging mga Banal sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

In the Service of Your God [Nasa Paglilingkod ng Inyong Diyos], ni Walter Rane