Paano isinalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon?
Bago itinago ang mga gintong lamina, isinulat ni Moroni, ang huling propeta sa Aklat ni Mormon, sa pahina ng pamagat ng aklat na ang aklat na ito ay isasalin “sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.” Ito pa rin ang pinakamagandang paglalarawan ng pagsasalin ng Aklat ni Mormon.
Idinikta ni Joseph Smith ang mga salita sa mga eskriba, karamihan ay kay Oliver Cowdery. Dahil nagsasalin si Joseph sa di-kilalang wika, kinailangan niyang umasa sa Panginoon. Isang paraan ng pagtulong ng Diyos ang paglalaan ng pisikal na kasangkapang magagamit ni Joseph sa pagsasalin. Ayon sa mga saksi tumingin si Joseph sa mga instrumento at nakita niya ang mga salita sa wikang ingles. Kasama sa mga kasangkapan sa pagsasalin ang “mga pansalin” o “Urim at Tummim”—dalawang malilinaw na bato na nakakabit sa isang metal para makatingin si Joseph sa pamamagitan ng mga ito. Ibinigay ito kay Joseph kasama ng mga lamina. Ang isa pang instrumento na ginamit ni Joseph ay ang “bato ng tagakita” na tinitingnan niya, na kadalasang inilalagay sa loob ng sombrero. Natagpuan ni Joseph ang batong ito noon pa at ginamit na panghanap sa mga bagay na nakatago o nawala. Ginamit niya ang mga pansalin at ang bato ng tagakita habang siya ay nagsasalin, laging umaasa sa inspirasyon ng langit.
Ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon ay tunay na isang himala at ginawa “sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.”