Ang Templo at Ikaw
Bago maipanumbalik ang Simbahan, inakala ng mga tao na kung may kapamilya sila na namatay nang hindi nabinyagan, hindi na nila ito makikitang muli. Ngunit dahil sa Panunumbalik, maaari tayong binyagan para sa kanila sa loob ng templo. Maaari tayong sama-samang mabuklod nang walang-hanggan!
Tulad ni Joseph Smith, pinili ka rin ng Ama sa Langit na gumawa ng mahalagang gawain sa iyong buhay. Ilan sa mga gawaing iyan ay magagawa sa mga templo. Maaari mong tipunin ang mga pangalan ng iyong mga ninuno na hindi nabinyagan noong nabubuhay pa sila sa mundo. Matapos kang tumanggap ng temple recommend, maaari kang magpunta sa templo at magpabinyag para sa kanila.
Habang ginagawa mo ang gawaing ito, manalangin sa Ama sa Langit na gabayan ka. Ang iyong mga ninuno ay makakatulong din. Napakahalaga at sagradong pagpapala ito sa iyo at sa kanila!
Ang ilan sa inyo ay maaaring hindi pa makakagawa ng gawain sa templo ngayon, ngunit magagawa rin ninyo iyan balang-araw. Laging tandaan na ikaw ay anak ng Diyos. Minamahal ka Niya nang lubos.
Makinig sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo at maghanda na makapunta sa templo balang-araw. Ang paggawa nito ay tutulong sa iyo na magkaroon ng magandang buhay para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Kapag ginagawa mo ang gawain ng Panginoon, tutulungan ka Niya. Ikaw ay isa sa Kanyang magigiting na espiritu.