Apat na Imahe mula sa Linggo ng Pagkabuhay
“Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito” (Juan 18:36).
Mga Koronang Tinik
Tingnan sa Mateo 27:29; Marcos 15:17; Juan 19:2.
Pinutungan ng mga kawal na Romano ng koronang tinik ang Tagapagligtas. “Marahil ang malupit na gawaing ito ay isang balakyot na pagtatangka nating gayahin ang paglalagay ng isang emperador ng laurel sa Kanyang ulo. … Napakatindi ng sakit na dulot nito, dahil kung iisipin ang mga tinik ay nagpapahiwatig ng hinagpis ng Diyos nang sumpain Niya ang lupa alang-alang kay Adan upang magmula sa araw na iyon ay sibulan ito ng mga tinik. Ngunit sa pagsusuot ng korona, ginawa ni Jesus ang mga tinik bilang simbolo ng Kanyang kaluwalhatian” (Pangulong James E. Faust, pangkalahatang kumperensya ng Abr. 1991).
Balabal na Kulay-ube
Tingnan sa Mateo 27:28; Marcos 15:17; Juan 19:2.
Ang kulay na ube ay kulay ng hari, at ang mga kawal ay pakutyang isinuot ang balabal na ito kay Jesucristo dahil inihayag Niya na Siya ang hari ng mga Judio. Mangyari pa, sa katunayan, Siya ay higit pa riyan—Siya ay “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga Panginoon” (I Kay Timoteo 6:15; Apocalipsis 19:16).
“Ang dugo ay lumalabas sa bawat butas ng kanyang balat, napakasidhi ng kanyang magiging pagdurusa” (Mosias 3:7).
Pisaan ng mga Olibo
Tingnan sa Mateo 26:36; Marcos 14:32; Lucas 22:39–40; Juan 18:1.
“Ito ay nakakaantig na makahulugan na ang ‘dugo [ay lumabas] sa bawat butas ng balat’ [Mosias 3:7] nang magdusa ang Tagapagligtas sa Getsemani, ang lugar ng pisaan ng mga olibo. Para magkaroon ng langis ng olibo sa panahon ng Tagapagligtas, pinagugulungan muna ng malaking bato ang mga olibo para mapisa. Ang “napisang” olibo ay inilalagay sa malalambot na hinabing basket, na pinagpatung-patong. Ang bigat nito ang nagpipiga ng unang katas ng pinakapurong langis. Pagkatapos ay dinadaganan pa ng malaking kahoy o troso ang patung-patong na basket para magpiga ng mas maraming langis. Sa huli, para mapiga ang pinakahuling katas, pinapatungan ng mga bato ang isang dulo ng kahoy para lalo pa itong makapagpiga. At tama, kasing-pula ng dugo ang unang langis na napiga” (Elder D. Todd Christofferson, Okt. 2016 pangkalahatang kumperensya).
“Wala siya rito, datapuwa’t nagbangon” (Lucas 24:6).
Libingang Walang Laman
Tingnan sa Mateo 28:1–8; Juan 20:1–18.
“Libingang walang laman sa unang umagang iyon ng Paskua ang tugon sa tanong ni Job na, ‘Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?’ [Job 14:14]. Sa lahat ng nakaririnig sa akin, ipinahahayag ko, Kung ang isang tao ay mamatay, siya ay muling mabubuhay. Alam natin, sapagkat nasa atin ang liwanag ng inihayag na katotohanan” (Pangulong Thomas S. Monson, “Siya ay Nagbangon!” Abr. 2010 pangkalahatang kumperensya).