Pagpapaganda ng Ating Karanasan sa Templo
“Ang pinaka-natatanging bahagi ng Panunumbalik ay ang banal na templo. Ang mga banal na ordenansa at tipan nito ay mahalaga sa paghahanda sa mga tao na handang salubungin ang Tagapagligtas sa Kanyang Ikalawang Pagparito.”1
Paminsan-minsan, gumagawa ang Unang Panguluhan ng mga pagbabago sa mga seremonya at pamamaraan sa templo upang mapaganda ang karanasan ng mga miyembro sa templo at tulungan ang lahat na magkaroon ng mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa loob ng mga sagradong lugar na ito.
Bilang bahagi ng karanasan sa templo, nagsusuot ang mga miyembro ng ceremonial clothing na ayon sa doktrina at may simbolikong kahalagahan na maiiugnay sa pagsamba sa templo sa Lumang Tipan (tingnan sa Levitico 8 at Exodo 28).
May ilang pagbabagong ginawa sa ceremonial clothing sa templo. Ang mga pagbabagong ito ay hindi kakikitaan ng pagbabago ng simbolismo o doktrina sa templo ngunit layon nitong gawin ang karanasan sa templo na mas simple, komportable, at madaling gawin kapag ang kasuotan ay mas madaling isuot, mapangalagaan, at mabibili sa murang halaga.
Ilan sa mga pagbabagong ito ang:
-
Mas simpleng disenyo para sa veil at robe.
-
Pag-aalis ng plastic insert mula sa cap at tali mula sa cap at veil.
-
Paggamit ng mas matibay na materyal na ginagamit din para sa mga robe, cap, at sash na nakakatulong para tumagal ang mga ito at mas madaling pangalagaan.
Umaasa kami na ang mga pagbabagong ito ay makakatulong na mapabuti ang banal na karanasang ito kapag ginawa ninyong regular na bahagi ng inyong buhay ang pagsamba sa templo.