2020
Naaalala Mo bang Pakatandaan?
Agosto 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Naaalala mo bang pakatandaan?

Helaman 1–6

Agosto 17–23

Do you remember to remember

Ibinigay ni Helaman sa kanyang mga anak na lalaki ang mga pangalang Nephi at Lehi para maalala nila ang mabubuting gawa nina Nephi at Lehi na nauna sa kanila.

Sa kabanata 5 ng Helaman, ginamit ni Helaman ang salitang alalahanin nang 11 beses.

Pinayuhan ni Helaman ang kanyang mga anak na pakatandaan:

  • Na “sundin ang mga kautusan ng Diyos” (Helaman 5:6).

  • Na isipin ang mabubuting halimbawa ng kanilang mga ninuno (tingnan sa Helaman 5:6).

  • Na sa pamamagitan lamang ng Pagbabayad-sala ni Cristo tayo maaaring maligtas (tingnan sa Helaman 5:9).

  • Na si Cristo ay paparito upang tubusin ang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan (tingnan sa Helaman 5:9–11).

  • Na itayo ang kanilang saligan kay Jesucristo (tingnan sa Helaman 5:12).

“Natatandaan” nina Nephi at Lehi “ang mga salita [ni Helaman]; at kaya nga, sila ay humayo, sinusunod ang mga kautusan ng Diyos” (Helaman 5:14).