2020
Hello mula sa Malaysia!
Agosto 2020


Hello mula sa Malaysia!

Hello from Malaysia

Hi! Kami sina Margo at Paolo.

Binibisita namin ang Malaysia!

Ang Malaysia ay isang magandang bansa sa Southeast Asia. May mga 10,000 miyembro ng Simbahan at 33 branch sa Malaysia. Maliit ang Simbahan doon pero matatag!

Ang ibig sabihin ng keluarga sa wikang Malay ay “pamilya.” Mahilig maglaro nang magkakasama ang pamilyang ito sa park.

Durian ang prutas na may pinakamatapang na amoy sa mundo! Maraming tao sa Malaysia na mahilig sa makatas na prutas na ito. Ginagamit ito sa paggawa ng kendi, ice cream, at iba pang pagkain.

Sa Malaysia, naniniwala ang mga tao sa maraming iba’t ibang relihiyon kabilang na ang Islam, Buddhism, at Kristiyanismo. Ang makulay na hagdang ito ay patungo sa Batu Caves. Isang bantog na Hindu temple ang nasa loob!

Mahilig lumabas ang mga pamilya sa Malaysia para sama-samang kumain. Nakakabili ang mga tao ng mga pagkain sa tabing-kalsada sa buong maghapon at magdamag.

Ang mga batang Primary na ito ay nakaupo sa harap ng isang karatula ng Simbahan na nakasulat sa wikang Malay at Chinese. Maraming wikang sinasalita ang mga tao sa Malaysia. Sa simbahan, tumutulong ang mga miyembro sa pagsasalin ng wika para makaunawa ang lahat.

Mahigit kalahati ng Malaysia ang puno ng tropikal na kagubatan. Tahanan ito ng kamangha-manghang mga hayop tulad ng Malayan tiger at proboscis monkey.

Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Malaysia!

Nais ng Diyos na maging mabait tayo at sundin ang mga kautusan.

Anika C., edad 7, Kuala Lumpur, Malaysia

Ang paborito kong saligan ng pananampalataya ay ang ikaapat: “Naniniwala kami na ang mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng Ebanghelyo ay: una, Pananampalataya sa Panginoong Jesucristo; pangalawa, Pagsisisi; pangatlo, Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan; pang-apat, Pagpapatong ng mga kamay para sa kaloob na Espiritu Santo.”

Leif C., edad 8, Kuala Lumpur, Malaysia

Taga-Malaysia ka ba? Sulatan mo kami! Matutuwa kaming makarinig mula sa iyo.

Salamat sa pagsama sa amin sa paglilibot sa Malaysia! Hanggang sa muli!