Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang mga Kabataang Mandirigma
Basahin ang kuwentong ito sa Alma 56–57.
Ikinukuwento sa Aklat ni Mormon ang ilang kabataang lalaki na kinailangang sumabak sa digmaan para protektahan ang kanilang mga tao at kanilang mga pamilya. Ang tawag sa kanila ay stripling warriors o mga kabataang mandirigma. Ang ibig sabihin ng salitang “stripling” ay “kabataan.”
Hindi pa nasabak sa digmaan ang mga kabataang kawal na ito. Ngunit magaling ang kapitan na namuno sa kanila. At naalala nila ang itinuro sa kanila ng kanilang mga ina.
Tinuruan sila ng kanilang mga ina na magtiwala sa Diyos. Kaya hiniling ng mga kabataang lalaki sa Diyos na tulungan sila. Sinunod nila ang kanilang kapitan. Buong tapang silang lumaban.
Nanalo sila sa digmaan! Ang ilan sa kanila ay nasaktan. Ngunit buhay silang lahat. Isang himala iyon!
Maaari akong makinig sa mabubuting bagay na itinuturo ng aking mga magulang at lider. Tutulungan ako ng Diyos na manindigan para sa tama.