2020
Paano ninyo malalaman na pinatawad na kayo ng Ama sa Langit?
Agosto 2020


Mga Tanong at mga Sagot

Paano ninyo malalaman na pinatawad na kayo ng Ama sa Langit?

young woman looking contemplative

Pagdama sa Espiritu

Alam ko na napatawad ako kapag nadarama ko ang Espiritu. Lalo na bilang missionary, laging mahalaga na mapasabuhay natin ang Espiritu. Kung tayo ay namumuhay nang matwid, laging mapapasaatin ang Espiritu, at tutulungan Niya tayong malaman ang ating katayuan sa Diyos.

Elder Bakker, 23 taong gulang, Brazil VitĂłria Mission

Muling Pagtiyak na Kasama Ko si Cristo

Sa Halamanan ng Getsemani, tiniis ni Jesucristo ang lahat ng pasakit at kasalanan ng sanlibutan para mapatawad tayo sa ating mga kasalanan at balang-araw ay maging karapat-dapat na makapasok sa kahariang selestiyal. Pakiramdam ko ay pinatawad na ako kapag nadarama ko ang muling pagtiyak na kasama ko si Cristo at inaantig ang aking espiritu.

Alex H., edad 15, Idaho, USA

Pagmamahal at Kaligayahan

Gustung-gusto ko ang kaloob na pagsisisi dahil madalas mag-umapaw sa damdamin ko na nagkasala ako at nasasaktan ang kalooban ko kapag nagkakamali ako. Kapag nag-uukol ako ng oras sa pagluhod at paghingi ng tawad sa aking Ama sa Langit nang may taos-pusong layunin, napupuspos ako ng matinding pagmamahal, kapayapaan, at kaligayahan! Hindi ko na nadarama na nag-iisa ako, at sa paraang iyan ko nalalaman na pinatawad na ako ng Ama sa Langit.

Brynlee H., edad 17, Utah, USA

Kapayapaan sa Puso Ko

Ang damdamin ng kapayapaan sa puso ko ang paraan na nalalaman ko na napatawad na ako. Lagi kong maaalala na nakagawa ako ng mali, pero tumutulong ito sa akin na matutuhan na huwag na itong gawing muli. Binigyan tayo ng Panginoon ng napakagandang pangako: “Masdan, siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” (Doktrina at mga Tipan 58:42).

David E., edad 19, Chihuahua, Mexico